NAGMULAT ng paningin si Celene mula sa tila napakahabang pagkakaidlip. Natagpuan niya ang kaniyang sarili sa loob ng isang hindi pamilyar na lugar. Naalarma siya kaya sinubukan niyang iangat ang mga kamay subalit natigilan siya nang makitang nakatali ang mga iyon sa kaniyang likuran. Pati ang kaniyang mga paa ay may tali rin.
Nagpalinga-linga siya at gayon na lamang ang kanyang pagkagimbal nang makita si Gabriel sa kaniyang tabi. Katulad niya ay nakatali rin ang mga kamay at paa nito. May bahid ito ng dugo sa ulo at kasalukuyang walang malay. Kaagad na binundol nang matinding pag-aalala ang kaniyang dibdib.
"Gab," she called out but he didn't stir. Pinilit niyang umusod palapit rito saka niya ipinalo ang kaniyang mga paa sa may binti nito. "Gab, please wake up,"
Nabuhayan siya ng loob nang marinig niyang umungol si Gabriel. Ilang sandali pa at tuluyan na rin itong nagmulat ng paningin. Napawi ang lahat ng pag-aalalang naramdaman niya kanina. Nagpalinga-linga ito na wari ba ay gulong-gulo. Di naglaon nang madako sa kaniya ang paningin nito ay nanlaki ang mga mata nito.
"Celene?" kitang-kita niya ang relief na bumadha sa mukha nito habang pinagmamasdan siya. "Thank goodness, you're okay!"
He obviously wants to hold her pero natigilan ito nang makitang may tali ang mga kamay at paa nito. She wants to do the same thing pero sa huli ay naluluhang pinagmasdan na lamang niya ito.
"I'm glad you're okay, too," sabi niya rito. "Paano mo nalamang nandito ako sa lugar na ito, Gab?"
"I received a text message from an unknown number," tugon nito na wari'y binabalikan sa isip ang mga nangyari bago iyon. "It says they have you kaya dali-dali akong nagpunta rito, pero habang hinahanap kita, mayro'ng kung sinong pumalo ng ulo ko at nawalan ako ng malay."
"Oh, Gab, hindi ka na dapat sumunod dito!" aniyang hindi napigilang sisihin ang sarili na pati ang buhay ng lalaki ay nalagay sa panganib. "Pati ikaw idadamay ni Fred!"
"What? Si Fred? A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang sunod-sunod na tanong nito. "A-anong kinalaman niya rito?"
Hindi niya agad nagawang tumugon. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung paano sasabihin ritong si Fred ang puno't-dulo sa lahat ng nangyayaring iyon.
"G-Gab, listen, si Fred, siya ang nagtangkang gumahasa at pumatay kay Eleanor," pagsisiwalat niya rito. "For some reason, nalaman niya na ako ang naging susi para mahanap mo yung bangkay ni Eleanor kaya dinukot niya ako."
"S-si Fred?" Hindi halos magawang magsalita ni Gabriel. Nang sandaling iyon lamang niya napagtanto ang lahat. Kaya pala gayon na lamang ito kasigurado na hindi na babalik si Eleanor. Now that he thought of it, sa abandonadong bahay nito sa Sitio Isidro marahil nito isinagawa ang karumal-dumal na krimen. "Ang hayop na iyon!!!"
Kumuyom ang kaniyang mga palad at nagtagis ang kaniyang bagang sa galit. Parang gusto niya itong patayin sa natuklasan. Dali-dali naman siyang kinalma ni Celene.
"Gab, I know how much you hate the guy, pero hindi ito ang tamang panahon para pairalin mo ang galit mo. Wala na siya sa tamang katinuan at gagawin niya ang lahat para lang matakbuhan ang krimeng ginawa niya. Kailangan nating magtulungan ngayon para makatakas tayo rito." umisod ito patalikod sa kaniya. "Here, magtulungan tayo para matanggal natin yung mga tali sa mga kamay natin."
Celene was right—hindi iyon ang tamang panahon para pairalin niya ang kaniyang galit. There is a time for that. Iyon ay kapag nasigurado na niya ang kaligtasan nito. Dali-dali na rin siyang umisod patalikod rito. Nagtulungan sila para matanggal ang mga tali sa kanilang mga kamay. Nang magtagumpay ay ang mga tali naman sa paa ang sunod nilang tinanggal.
"Halika na, dali!" untag sa kaniya ni Celene nang matanggal na nila pati ang mga tali sa paa. Inilahad nito ang kamay sa kaniya subalit bago pa man niya iyon tuluyang maabot ay may bigla nang humablot at sumikil sa dalaga. "Fred!"
BINABASA MO ANG
LOST SOULS [COMPLETED]
ParanormalPara kay Gabriel, iisa lamang ang multong hindi niya magawang takasan. Ang multo ng kaniyang nakaraan na nag-ugat sa biglaan na lamang pagkawala ng pinakamamahal na kasintahang si Eleanor. Umasa siya hanggang sa huli na muli niya itong makakapiling...