Eighteen

653 12 0
                                    

TININGALA ni Celene ang mataas na gusali sa kaniyang harapan. Ayon sa taxi na kaniyang nasakyan ay iyon ang lugar na kaniyang hinahanap. Bahala na, naisip niya. Napapalunok na dali-dali na niyang tinunton ang entrance ng naturang gusali. Dala marahil sa pagiging distracted kay Gabriel at sa kaniyang panaginip ay hindi niya napansin ang kasalubong niyang lalaki. Nagkabanggaan sila at tumilapon ang mga hawak nitong folder.

"Oh my goodness, I'm so sorry!" natatarantang naibulalas niya. Pinulot niya ang ilang folders na nakakalat sa harapan niya saka pinag-anagatan ito ng paningin. "Here's—"

Natigilan siya nang sa wakas ay mapagmasdan ang lalaki. Matangkad ito, kayumanggi, at malaki ang pangangatawan. Nakangiti ito sa kaniya, but for some reason, hindi niya maramdaman ang sinseridad sa mga ngiting iyon.

"It's okay," wika nito na inabot sa kaniya ang naturang mga folder. "By the way, ngayon lang kita nakita rito sa building, ah?" Binistahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Are you an intern or something?"

Napalunok si Celene. Hindi niya gusto ang tinging ipinupukol sa kaniya ng naturang lalaki. Iiwasan na lamang sana niya ito subalit bago pa man tuluyang makahakbang palayo ay natanaw niya si Gabriel. Palabas ito ng naturang building.

"Fred!" pagpukaw nito sa lalaking kaniyang kaharap. Nabaling ang tingin nito sa kaniya pagkatapos. Agad na rumehistro ang pagkagulat sa mukha nito nang makita siya. "Celene? A-anong ginagawa mo rito?"

"Oh, Gab," wika naman ni Fred na tila nag-iba ang tono nang dumating si Gabriel. "Y-you know her?"

"Y-yeah, she's, um..." Nag-aalinlangang pinagmasdan siya nito. Tila hindi matukoy sa sarili kung paano siya ipapakilala. Sa huli ay napabuga ito ng hangin. "She's my new neighbor—Celene." Pagkuwan ay siya naman ang ipinakilala nito sa lalaki. "Celene, this is Fred, my colleague and friend."

"Oh, hi there, Celene," wika nito na muling bumalik ang malapad na pagkakangiti. Inilahad nito ang isang kamay sa kaniya. "Very nice to meet you,"

Napalunok. She really doesn't feel like shaking his hands. But out of courtesy, wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin iyon.

"Hi," she shook his hands pero sandali lang. Agad rin siyang bumaling kay Gabriel na natayo sa tabi nito at titig na titig sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata nito. "Um, Gab, pauwi ka na ba? Puwede ba kitang makausap? Importante lang."

Wari'y nakuha naman agad ni Gabriel ang urgency sa kaniyang tinig. Ibinigay nito sa kaniya ang susi ang sasakyan nito at sinabihan na hintayin ito doon. May ididiscuss lamang daw ito sandali kay Fred. Agad naman siyang tumalima. Wala pang sampung minutong naghihintay doon ay muli na uli niya itong natanaw.

"Why did you come here, Celene?" kaagad na tanong nito sa kaniya pagkaangkas sa may driver's seat. "Anong importanteng bagay ang gusto mong pag-usapan natin?"

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon