Forty-nine

711 13 0
                                    

NAGMULAT ng paningin si Celene mula sa isang tila napakahabang pagkakatulog. Natagpuan niya ang kaniyang sarili sa isang napakagandang lugar na napapaligiran ng luntiang mga puno at sari-saring mga ligaw na bulaklak na may iba't-ibang kulay. Hindi niya alam kung paano siya napunta doon o kung anong ginagawa niya doon. Nagpalakad-lakad siya hanggang sa mamataan niya ang isang babaeng nakaupo sa may tabi ng isang malinaw na batis. Pinagmasdan niya ito nang mabuti at gayon na lamang ang kaniyang panggigilalas nang makilala ito—it was Eleanor. Ngumiti ito sa kaniya na lalo lamang nagpatingkad sa kagandahan nito. Nakasuot ito ng isang off-shoulder na bestida na nakasisilaw sa kaputian. Nakalugay ang mahaba at alon-alon nitong buhok. May nakapalibot na flower garland sa may ulunan nito.Wala na itong kabakas-bakas ng anumang paghihirap na pinagdaanan nito.

"Celene," nakangiti pa ring wika nito saka tinapik ang espasyo sa may tabi nito. "Halika,"

Namamanghang tumango naman siya. Kagaya ng sinabi nito ay naupo siya sa may tabi nito. Matagal na hindi ito nagsasalita at nakatingin lang sa malinaw na tubig ng batis.

"Celene, naalala mo ba noong nagpunta ka sa puntod ko?" mayamaya ay pagbasag nito sa katahimikang namamagitan sa kanila. "Tinanong mo ako kung paano mo mapapaibig si Gabriel."

Natigilan si Celene—naaalala niya nga iyon. Napatitig siya sa napakagandang mukha ni Eleanor. Napangiti siya nang malungkot dito pagkatapos.

"Hindi na mahalaga iyon ngayon, Eleanor," may pait na tugon niya rito. "Alam ko namang kahit anong gawin ko, hindi kita magagawang palitan sa puso niya, eh."

"Nagkakamali ka, Celene," wika nito. Hinawakan nito ang kaniyang kamay saka direkta siyang tinitigan sa kaniyang mga mata. "Hindi na ako ang laman ng puso ni Gabriel ngayon kung hindi ikaw na."

Hindi nakapagsalita si Celene. Napakunot-noo siya rito. Anong sinasabi nito na siya na ang laman ng puso ni Gabriel?

"Listen to me, Celene, wala ka nang kailangang gawin para mapaibig si Gabriel dahil iniibig ka na niya. He loves you as much as he used to love me back then. Iyon ang totoo."

She still couldn't speak. Totoo ba ang sinasabi nito? Mayamaya, mula sa kung saan, biglang umalingawngaw ang tinig ng isang lalaki. Celene, bumalik ka na, please, nagsusumamamong wika ng ng naturang tinig. Mahal na mahal kita, dagdag pa nito. Biglang nangilid ang luha sa mga mata ni Celene. Kahit hindi niya nakikita ang pinanggagalingan ng naturang tinig ay nakasisiguro siyang si Gabriel iyon.

"I think it's time for you to go back," ngumiti sa kaniya si Eleanor. "You're not supposed to be here—you're supposed to be in Gabriel's side."

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon