Thirty-four

702 10 0
                                    

PINAGMASDAN ni Celene ang papalubog na araw. Gabriel decided to just take out food from the local restaurant and eat it at the seaside. He obviously wants to be somewhere peaceful and serene—marahil ay para marelax at makapag-isip. Sinulyapan niya ito at nakita niyang titig na titig rin ito sa papalubog na araw. Napansin niya na higit nang maaliwalas ang mukha nito ngayon. Ang kaalamang iyon ay higit na nakadagdag sa kaligayahang nararamdaman niya ngayong kasama niya ito.

"I don't understand why something as beautiful as the sun have to vanished at the end of the day." napapabuntong-hiningang saad nito nang tuluyan nang maglaho ang araw. "I mean, it was there with you throughout the day tapos bigla nalang mawawala."

"To give way to the moon and the stars?" sinulyapan niya ito at ngumiti. "Listen, Gab, everything is temporary in this world. Darating yung panahon, hindi na natin masisilayan ang pagsikat at paglubog ng araw. Pati na rin ang pagkislap ng buwan at mga bituin. Lahat ng taong mahal natin ay maglalaho kasama natin. Pero alam mo kung ano ang pinakamahalaga?" sabi niya rito. "That we'd be happy. Kakaunti lang yung panahon na ilalagi natin dito sa mundo, Gab. We should spend it wisely. We should take each opportunity life is offering us each day to be happy. 'Cause at the end of the day, that is what matters the most."

Gabriel stared back at her. Hindi niya inaasahan na kukunin nito ang kaniyang kamay. He held those tightly as he stared directly into her face.

"You know, you're really special, Celene. You just have the ability to see beyond what the naked eyes can see. I think, that's really beautiful." ngumiti ito sa kaniya. "I would much want to know you better."

"Well, how about we get to know each other now?" tugon niya naman rito na hindi naiwasang hindi mamula sa naunang compliment nito. "What do you say?"

"Okay, deal," naaaliw naman na sabi nito. "Ano ang unang bagay na gusto mong malaman tungkol sa akin?"

"Hmm," nilagay niya ang isang kamay niya sa baba na kunwari ay nag-iisip. "I want to know where are your parents."

"My parents," wika nito na bahagyang napabuntong-hininga. "Well, my parents, Mr. and Mrs Posadas are in the States. They migrated there right after I got my licensed in Engineering. ang gusto sana nila ay sumama ako sa kanila at doon na maghanap ng trabaho but then I met Eleanor. Hindi na ako nakasunod sa kanila."

"Well, how about your siblings?" ang sunod naman niyang tanong rito. "May mga kapatid ka ba?"

"I have one. His name is Louis. And he's younger than me." anito na hindi naiwasang lumungkot ang tinig. "Kaya lang, nagkasakit siya bago pa man siya tumuntong ng elementary. It's an infection in blood if I remember it right. Eventually, iniwan niya kami agad."

"Oh, god, I'm sorry Gab," aniya na hindi naman maiwasang malungkot sa nalaman tungkol sa kapatid nito. "I never should have brought that up."

"I-It's okay," sabi naman nito sa kaniya na bahagyang ngumiti. "I have witnessed his sufferings and I know that he's in the better place now."

Hindi kaagad nagawang tumugon ni Celene. Hindi niya akalain na dati na pala itong nawalan ng isang mahal sa buhay. Nauunawaan niya nang higit lalo ngayon kung bakit gayon nalang kahirap para dito nang pati ang kaisa-isang babaeng minahal ay nawala rin.

"Hey, come on, now! Kakasabi mo lang 'di ba? We should be happy as much as possible. Don't pout now. Here, I believe it's my turn to ask." wika nito na pilit na uling pinasigla ang anyo. "I have told you about my family so I think it's your turn now to tell me about them."

"O-okay," aniya na pinilit na ring maging masigla uli para rito. "Um, my mom and dad, sa mountainside sila naninirahan. We have a farm business there. Iyon ang pinagkaabalahan nila."

"Your siblings?"

"I have two—an older sister and a younger brother. Yung ate ko, she married a Japanese fisherman at sa Japan na sila naninirahan ngayon with their twin sons. Yung younger brother ko naman, kasama nina mom and dad sa mountainside. He's in college now and he took up Agriculture. Gusto niya raw kasing matulungan yung parents namin sa business."

"Well, what are you doing here then?" tanong nito sa kaniya. "Bakit ka humiwalay sa kanila?"

"It's because I'm trying to find a place where I can concentrate on my sketches. Nabalitaan ko na pupunta ng States yung tiyahin ko para magpagamot. My aunt's husband is dead and all her kids are living in the States kaya naman walang maiiwang ibang tao sa bahay niya. I asked her if I could stay there temporarily so I can work on my sketches."

"If that's the case then," umusod ito sa tabi niya. May kung anong ngiti ang naglalaro sa mga labi nito. "Dapat pala akong magpasalamat kay Mrs. Francisca."

"Huh?" kunot-noo namang naipahayag niya. For some reason, hindi na rin niya naiwasan ang hindi mapangiti. "Why is that so?"

"Dahil kung hindi ka niya pinayagang mag-stay sa bahay niya na katapat ng bahay ko, hindi kita makikilala," sinserong tugon nito habang matamang nakatitig sa kaniyang mga mata. "Really, I've never been this thankful that I met someone like you, Cel."

Hindi na alam ni Celene kung anong nangyari sa kaniya. She felt like a thunder suddenly struck her. Hindi siya nakapagsalita. Napangiti naman si Gabriel. Nagtungo ito sa kaniyang likuran at bago pa niya mamalayan ay marahan nitong iniyakap ang mga bisig sa bewang niya.

"Can we stay like this for a little while?" tanong nito sa kaniya. Ihinilig nito ang ulo sa isang balikat niya pagkatapos. "This could probably be the only recharge that I need pagkatapos ng lahat ng nangyari."

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon