EPILOGUE

1.1K 23 5
                                    

Three years later...

NAPANGITI si Celene habang pinagmamasdan si Gabriel. Nakikipaghabulan ito sa kanilang tatlong taong gulang na anak na si Francis. Muli niyang ibinaling ang kaniyang paningin sa puntod ni Eleanor sa kaniyang harapan pagkatapos.

"Pasensiya na kung medyo maingay sila, ha?" pagka-usap niya doon. "Sana hindi kayo maabala rito."

Marahan niyang hinaplos ang puntod nito pagkatapos. Hindi na niya nakikita ang kaluluwa ni Eleanor. Isinara na kasing muli ng kaniyang tiyahin ang kaniyang third eye.

"Siya nga pala, may good news ako sa'yo, Eleanor. Bumaba na yung hatol ng korte kay Fred. It was guilty." ang nakangiting sunod na ipinahayag niya. "Habang-buhay na niyang pagbabayaran ang kasalanang ginawa niya sa'yo, Eleanor."

A gentle wind blew upon her face all of a sudden. Kahit hindi na niya nakikita si Eleanor, nararamdaman niya na naroon ito ngayon—nakangiti sa kanya.

"May isa pa pala akong good news," hinimas niya ang bilog na bilog na tiyan. "Buntis ako sa pangalawang baby namin ni Gabriel. My OB told me that our baby would be a girl this time. I was planning to name her after you—sana ay okay lang sa'yo."

Sa ikalawang pagkakataon, parang may hanging dumampi sa kaniyang pisngi. Alam niyang si Eleanor iyon. Alam niyang binibigyan siya nito ng pahintulot upang gamitin niya ang pangalan nito para sa pangalawang baby nila ni Gabriel.

"Thank you, Eleanor," naluluhang sabi niya rito pagkatapos. "Maraming salamat kasi, of all people, sa akin mo ipinagkatiwala si Gabriel."

Hinaplos niyang muli ang puntod nito at nakangiting pinagmasdan iyon. Mayamaya pa, narinig na niya ang mga yabag ng mag-ama. Palapit ito sa kinaroroonan niya.

"Hey," pukaw sa kaniya ni Gabriel saka siya dinampian ng halik sa kaniyang mga labi. "Looks like you're having a heart to heart talk, eh?"

"Ibinalita ko lang sa kaniya ang mga good news," nakangiti namang tugon niya sa pinakamamahal na asawa. "I think she's thrilled,"

Napangiti si Gabriel. Pinagmasdan nito ang puntod ni Eleanor. He could feel just by looking at it that she's indeed thrilled.

"Thank you, Eleanor," sinserong wika niya sa puntod nito. "Wherever you are, I hope you are happy as we are."

"Come on, Francis," pagkuwan naman ay baling ni Celene sa kanilang anak. "Say good bye na to Tita Eleanor."

"Bye, Tita Eleanor," wika naman ng bata na kumaway at nag-flying kiss pa. "We love you!"

Magkakahawak-kamay na silang naglakad palayo sa puntod nito pagkatapos. Subalit ilang segundo pa lamang ang nakakalipas, muling lumingon doon si Francis. Kumaway ito sa magandang babaeng nakatayo sa tabi niyon—Eleanor smiled and waved back to the little child.

*WAKAS*

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon