Thirty-seven

644 9 0
                                    

NAPABUNTONG-HININGA si Celene habang pinagmamasdan ang kalangitang hitik sa mga bituin. Hindi niya alam kung ano ba ang tila nakakapagpabagal ng tibok ng kaniyang dibdib. Ang nagkikislapan bang mga bituin o ang mismong presensiya ni Gabriel sa kaniyang tabi.

"Beautiful," mayamaya ay narinig niyang mahinang usal nito sa kaniyang tabi. "So, so, beautiful,"

Sinulyapan niya ito. Ang akala niya ay nakatingin ito sa mga bituin na tulad niya ngunit nagkamali siya. Sa kaniya pala ito nakatingin—siya ba ang tinutukoy nitong maganda?

"Hey," untag niya rito na hindi napigilan ang sarili na hindi mamula. "Can you focus on the real view now?"

Nagkibit-balikat lang ito. Nang hindi na makatiis ay nakatawang itinulak niya ito. She make his head focus on the night sky.

"Bakit ba?" nakatawang protesta nito na muli lamang ibinaling uli sa kaniya ang paningin. "Didn't anyone ever tell you that you're beautiful?"

Natigilan siya. Her cheeks are really really flushed right now. Hindi niya alam kung bakit sinasabi ni Gabriel sa kaniya ang bagay na iyon.

"Come on," pagkuwan ay sabi nito nang hindi siya sumagot. Tumayo ito at inilahad ang isang kamay sa kaniya. "Give me your hand,"

"What? Why?" tanong niya. Hindi siya nito pinansin. Sa halip ay ito na mismo ang kumuha sa kaniyang kamay para itayo siya. "Gabri—"

Hindi na niya nagawa pang ituloy ang sinasabi. Inilagay nito ang kaniyang mga kamay sa balikat nito. Ang mga kamay naman nito ay inilagay nito sa kaniyang bewang. Suddenly, she found herself waltzing with him.

"Alam mo, ang akala ko nang mawala si Eleanor, wala nang dahilan para ipagpatuloy ang buhay ko. But then—you came. Hindi mo lang ako tinulangan hanapin siya, tinulungan mo rin akong hanapin muli ang sarili ko." sinserong sabi nito sa kaniya. "You bring me hope and strength to live, Celene."

Hindi nagawang magsalita ni Celene. Nakatitig lang siya rito. Suddenly, he kissed her forehead. Napapikit siya—it was such a beautiful feeling. Hindi niya nagawang pigilan ang sarili at ihinilig niya ang ulo sa malalapad nitong balikat. Hindi niya alam kung ano ang tawag sa nangyayaring iyon sa pagitan nila. Lalo na, hindi niya alam kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman nito para sa kaniya. But during that moment, while her head lay still on his shoulders, she suddenly forget all the fears and doubts inside her heart. Sa halip, mas pinili niyang maniwala na somewhere, deep down his heart, may lugar ang isang tulad niya—ang isang Celene Medrano.

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon