"I'M sorry, sir and ma'am, pero iisa nalang po kasi ang natitira na unoccupied room namin, eh." wika ng receptionist kina Gabriel at Celene. Nang maabutan nang gabi sa daan ay nagdesisyon silang magpalipas ng gabi sa isang malapit na inn. "Okay lang naman po siguro sa inyo ng girlfriend ninyo na magsama sa iisang room, I supposed."
Nagkatinginan sina Gabriel at Celene. Kapwa namula ang magkabilang pisngi nila sa sinabi ng naturang receptionist na inakala pang magkasintahan sila.
"Um," pukaw rito ni Gabriel na parang hindi malaman kung paano itatama ang maling akala nito sa kanila. "Hindi ko siya girlfriend,"
"Y-yeah," segunda naman niya na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi maitago ang pagkailang. "W-wala kaming relasyon."
Gumuhit ang pagkagulat sa mukha ng naturang receptionist. Natutop nito ang sariling bibig. Mistulang hiyang-hiya sa sinabi.
"Naku, sorry po, ma'am and sir," kagat-labing hinging paumanhin nito sa kanila. "Ang akala ko po kasi ay magkasintahan kayo," napangiti ito nang alanganin. "Bagay po kasi kayo,"
Parang may kung anong kumiliti sa talampakan ni Celene. Kami? Bagay kami ni Gabriel? ang hindi magkanduto niyang naisaloob. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kilig ukol sa komento na iyon ng naturang receptionist. Tumikhim si Gabriel.
"Miss, we are really exhausted. Hindi na namin kayang bumiyahe pa at maghanap ng ibang inn. Puwede bang pakicheck mo ulit?" pakiusap nito sa receptionist. "Baka naman mayro'n pang isang room na pupuwede naming magamit."
"I'm sorry, sir, pero tatlong beses ko na pong chineck," apologetic na ngumiti ito sa kaniya. "Occupied na po talaga lahat."
Napabuga ng hangin si Gabriel. Mukhang pagod na pagod na talaga ang anyo nito. Kahit siya ay pagod na rin sa halos maghapon nilang biyahe.
"Gabriel," aniya na kinalabit ito. "Kunin na natin yung room."
"Ha?" may pag-aalinlangan na bulalas nito. "Sigurado ka?"
Tumango siya.
BINABASA MO ANG
LOST SOULS [COMPLETED]
ParanormalPara kay Gabriel, iisa lamang ang multong hindi niya magawang takasan. Ang multo ng kaniyang nakaraan na nag-ugat sa biglaan na lamang pagkawala ng pinakamamahal na kasintahang si Eleanor. Umasa siya hanggang sa huli na muli niya itong makakapiling...