Twenty-one

655 15 0
                                    

"I JUST can't understand him," paglalabas ng sama ng loob ni Gabriel kay Celene. Nang mga sandaling iyon ay ikinakarga nila sa kaniyang sasakyan ang kanilang mga gamit na dadalhin papunta sa Sitio Isidro. Isinara niya ang compartment ng kotse saka sumandal doon at bumuntong-hininga. "I mean, sa tuwing mababanggit ko nalang sa kaniya si Eleanor, palagi niya nalang sinasabi na hindi ko na siya makikita. Na para bang siguradong-sigurado siya. O, kung hindi naman, papayuhan niya akong pumunta sa psychiatrist ko. Na para bang nasisiraan ako ng ulo, for goodness' sake!"

Hindi kaagad nagawang magsalita ni Celene. Kahit sa unang pagkikita palang ay hindi na maganda ang pakiramdam niya kay Fred. Alam niyang hindi tama ngunit hindi niya tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng paghihinala rito ng dahil sa mga sinabi ni Gabriel.

"Um, maitanong ko lang, magkakilala ba si Fred at Eleanor?" hindi niya naiwasang hindi mag-usisa. "I mean, did you introduce them to each other?"

"Yes, I introduced her to Fred after our third anniversary, the time when I first collaborate with Fred in a project," tugon ni Gabriel. "Bakit mo naitanong?"

Kagaya kanina ay hindi uli agad nagawang tumugon ni Celene. Hindi pa siya sigurado sa kaniyang kutob. Ayaw niyang magsabi ng anumang bagay na makakasira sa dalawa.

"Um, w-wala naman, naitanong ko lang," pag-iwas niya na agad nang iniliko ang paksa ng kanilang usapan. "I-I think we should go,"

Tumango si Gabriel. Nagtungo na siya sa may gawi ng passenger's seat. Nagkataon na sabay pa nilang nahawakan ni Gabriel ang handle ng pinto. Natitigilang napatitig siya sa kamay nitong nakapatong sa kaniyang kamay. Pag-angat niya ng paningin ay nakita niyang titig na titig ito sa kaniya.

"I-I'm sorry," ang nagkakandautal-utal niyang naibulalas saka tarantang hinugot ang kamay na napailalim sa kamay nito. "H-hindi ko alam,"

Hindi naman nagsalita si Gabriel. Itinuloy nito ang naunang plano na pagbuksan siya ng pinto. Walang imik na pumasok siya sa may passenger's seat. Ang lakas-lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Nagkunwari na lamang siyang abala sa pagcheck ng messages sa kaniyang phone nang sa gayon ay hindi nito mahalata ang tensyon na biglang bumalot sa kaniya.

"This is going to be a long way," mayamaya ay saad nito nang tila hindi na matiis ang nakabibinging katahimikang namamagitan sa kanila. Pansamantala nitong inilihis ang paningin sa daan upang sulyapan siya. "Are you sure you're willing to help me through this?"

Sinalubong niya ang paningin ni Gabriel. Sari-saring emosyon na hindi na halos niya mapangalanan ang nakita niyang nakapaloob doon. Kagaya ng sinabi nito, it will indeed going to be a long way. Ni hindi nila alam kung saan eksaktong makikita ang kinaroroonan ni Eleanor. Ang tanging pinanghahawakan lamang nila ay ang malabong deskripsyon ng lugar na hinahanap nila sa kaniyang panaginip: Masukal. Madamo. Maraming punong kawayan. What they're doing is literally insane and she knows that. Sa kabila niyon ay naniniwala siya na tutulungan sila ni Eleanor. Alam niyang ituturo nito sa kanila kung saan talaga ito naroroon.

"Gab, I told you I won't let you go through this alone," sinserong sabi niya rito. "Kahit anong mangyari, sasamahan kitang hanapin si Eleanor."

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon