Six

764 16 0
                                    

NARAMDAMAN ni Celene ang magaang dampi ng isang kamay sa kaniyang noo. Dahan-dahan siyang nagmulat ng paningin. Sinalubong siya nang malabong imahe ng mukha ng isang lalaki. Kinusot-kusot niya ang kaniyang mga mata at unti-unting luminaw ang naturang imahe. Napabalikwas siya nang makita na ito nang malinaw. Napaatras din ito na halatang nagulat din sa kaniyang naging reaksyon.

"S-sino ka?!" ligalig na tanong niya sa naturang lalaki habang panay ang linga. "N-nasaan ako?!"

"O-okay, calm down, I am Gabriel Posadas," pakilala naman nito sa kaniya. "Nandito ka sa loob ng bahay ko. Dinala kita rito dahil bigla ka nalang nawalan kanina ng malay sa may labas. Okay na bang pakiramdam mo?"

Subalit hindi sumagot ang naturang babae. Sa halip ay nanatili itong panay ang linga sa kabuuan ng bahay na tila ba may hinahanap. Napakunot-noo naman si Gabriel sa labis na pagtataka sa inaasal nito.

"Um, miss, may problema ba?" ang hindi niya napigil na tanong rito. "A-are you looking for something?"

Napasulyap ito bigla sa kaniya matapos marinig ang kaniyang huling tinuran. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang pero biglang nanumbalik ang isang hindi maipaliwanag na takot sa mga mata nito. Dali-dali itong umahon mula sa pagkakahiga sa may couch.

"I-I'm sorry, I have to go," anito na tila ba may kung anong tinatakbuhan. "S-salamat nalang sa tulong mo."

"W-wait, is there any problem?" naguguluhan naman na tanong rito ni Gabriel. "Okay na ba talagang pakiramdam mo?"

Subalit hindi na nag-abala pang tumugon ang babae. Sa halip ay walang lingon-likod na dali-dali na nitong nilisan ang kaniyang bahay. Wala na siyang nagawa kung hindi ang naguguluhan na ihatid ito ng tanaw. Did I do something wrong? ang naisaloob niya. Napailing-iling siya nang tuluyan na itong maglaho sa kaniyang paningin. Pupunta na sana siya sa kaniyang kuwarto subalit natigilan siya nang may mapansin siyang makinang na bagay sa may couch. When he checked, isang silver bracelet ang kaniyang natagpuan. Muling natuon ang kaniyang paningin sa may pinto ng kaniyang bahay kung saan lumabas ang naturang babae. Nakasisiguro siya na ito ang nagmamay-ari ng naturang bracelet.

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon