"MR. POSADAS, sandali!" paghabol ni Celene sa binata. Pagkatapos niyang sabihin rito ang tungkol sa kakaibang kakayahan ay walang isang salitang dali-dali na lamang siya nitong tinalikuran. Nang maabutan niya ito ay dali-dali niyang hinila ang laylayan ng suot nitong long sleeves. "Mr. Posadas, please listen to me..."
"Listen to you, Miss Medrano?!" binawi nito ang sleeves mula sa kaniyang pagkakahawak. "How can I listen to the person who's telling me that my fiancé is already dead in the first place?! Alam mo, wala kang karapatan! At lalo na, wala kang alam kaya huwag kang umasta na alam mo ang lahat ng bagay dahil lang sa pag-claim mo na may third eye ka!"
Celene was silent for a moment. Gusto niyang buweltahan ito sa mga masasakit na bagay na sinabi sa kaniya ngunit hindi niya magawa. Alam niya na nasasaktan lamang ito kaya nito nasabi ang mga bagay na iyon.
"Mr. Posadas, alam ko mahirap ito para sa'yo, but I'm telling you the truth." Nagbuga siya ng hangin. "Last night, hindi ako nakatulog dahil pati sa panaginip ko ay nagpakita siya. It feels like she wants to say something. Iyon ang dahilan kaya nagdecide ako na i-sketch siya because I want to show it to you. I know that she's somewhat affiliated to you at hindi nga ako nagkamali."
Parang binuhusan nang malamig na tubig si Gabriel nang malamang napapanaginipan rin ni Celene si Eleanor. Deep inside him, he wants to ask more. Know more. But somehow, the strange pain slicing from inside his heart is preventing him from wanting any more information.
"I-I have to go, Miss Medrano," pag-iwas niya sa dalaga. "Please, let us just pretend that all of this did not happen. Goodbye."
BINABASA MO ANG
LOST SOULS [COMPLETED]
ParanormalPara kay Gabriel, iisa lamang ang multong hindi niya magawang takasan. Ang multo ng kaniyang nakaraan na nag-ugat sa biglaan na lamang pagkawala ng pinakamamahal na kasintahang si Eleanor. Umasa siya hanggang sa huli na muli niya itong makakapiling...