Thirty-eight

641 10 0
                                    

NAPANGITI si Gabriel nang pagbukas ng kaniyang bag ay bumungad sa kaniya ang isang box ng cupcake. Sa ibabaw ng box ay may nakasulat na note—Pambawi ko sa nasayang na cheesecake kagabi. Huwag kang magpalipas ng gutom, okay? Cel. Lalong lumawak ang kaniyang pagkakangiti. Hindi niya napansin na inilagay pala nito iyon sa kaniyang bag matapos niyang dumaan sa bahay nito bago pumasok sa trabaho.

He sighed in great happiness. Kung hindi lang siya naunahan ng kaba kagabi ay nagawa na siguro niyang maipagtapat rito ang kaniyang totoong nararamdaman. Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi niya rin alam kung kailan nagsimula ang lahat basta't isang araw nagising nalang siya na nahulog na pala ang puso niya sa dalaga.

Natigil ang pagbubulay-bulay niya nang biglang pumasok ng opisina si Fred. Bahagya lamang itong ngumiti sa kaniya at nagdire-diretso na sa may pantry. Hindi niya rin alam kung anong nangyari, hindi tulad ng dati, hindi na siya gaanong kinakausap nito. Hindi na rin siya uli nito kinulit pa patungkol sa project na gusto nitong mag-collaborate sila. Nagulat nalang siya pagbalik niya ng office nang mabalitaan na kagaya ng suhestiyon niya ay ang kasamahan na nilang si Vincent ang kinuha nito para sa project. Kung tutuusin ay naayos naman na ang naging gusot sa pagitan nila matapos nitong manghingi ng paumanhin noong libing ni Eleanor, bagaman naisip niya, marahil ay nahihiya pa rin ito sa kaniya.

Tumunog ang kaniyang cell phone. He was expecting Celene ngunit iba ang nagregister na pangalan sa screen. Galing ang tawag mula sa PNP Crime Laboratory kung saan niya pinasuri ang mga labi ni Eleanor bago ito tuluyang ilibing. Kagaad na binundol nang matinding kaba ang dibdib ni Gabriel. Dali-dali niyang sinagot ang tawag ng mga ito.

"Ano ho? Lumabas na ang resulta ng autopsy sa labi ni Eleanor?" parang matutuyuan siya ng lalamunan sa ibinalita ng mga ito. "O-o, sige po. Pupunta po ako agad ngayon diyan para makuha ang resulta. Salamat."

Wala na siyang inaksaya pa na panahon. Dali-dali niyang kinuha ang jacket at ang susi ng kaniyang sasakyan. Paglabas niya ng opisina ay sumilip si Fred mula sa may pantry. Namumutlang ihinatid siya nito ng tanaw habang naglalakad palayo.

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon