Thirty-five

654 11 0
                                    

NAPANGITI si Celene habang pinagmamasdan ang kaniyang sketches. For some reason, pagkatapos nilang lumabas ni Gabriel kahapon ay tila bumalik ang drive niya sa pagguhit. Natapos niya ang kaniyang sketches na ilang araw na niyang hindi maituloy-tuloy. Ipapadala niya ang mga iyon sa isang art studio sa Manila na siyang nagdidistribute at naglalathala ng kaniyang drawings. Natigilan siya nang biglang may kumatok sa may front door. Paglingon niya ay nakita niyang nakatayo doon si Gabriel.

"Pumasok na ako, if you don't mind," nakangiting bungad nito sa kaniya. "Nakita ko kasi na bukas yung gate sa labas."

"It's okay," sabi naman niya rito. Sa isang iglap, ang maganda na niyang mood ay lalo pang gumanda nang makita niya ito. "By the way, look, I finished my sketches!"

Lumapit sa kaniyang kinaroroonan si Gabriel. Kinuha nito mula sa kaniya ang naturang sketches. He stared at them with full admiration.

"Wow, these are great!" bulalas nito saka malawak ang ngiting sumulyap sa kaniya. "God, you are really, really talented!"

"T-thanks," aniyang hindi naiwasang hindi pamulahan ng mukha sa mga papuri nito. Kinuha na niya uli rito ang kaniyang sketches. "Siya nga pala, ba't napadalaw ka?"

Sandaling natigilan si Gabriel. Napatitig ito sa kaniya. Pagkuwan ay may kung anong dinukot ito mula sa bulsa.

"Me and my colleagues went to this really cool shop a while ago and I saw this." inilahad nito ang kamay. Lumantad ang isang laser pointer. "Naalala kita so I decided to bought it."

"Laser pointer?" aniyang hindi napigilang mapakunot-noo. Natuwa siya na naalala siya nito bagaman hindi niya rin naiwasan na hindi magtaka kung bakit siya nito binigyan noon.

"That was the exact reaction I was expecting to get from you," ang sabi naman nito na hindi naiwasang hindi mapangisi sa nakitang reaksyon niya. "Come on, try to open it, and see it for yourself."

Intrigued, Celene aimed the said pointer at the bare space on the wall. Nagliwanag ang nasabing pader at lumitaw ang isang high-definition photograph ng isang bulubundukin. Napigilan ni Celene ang hininga habang pinagmamasdan iyon. God, it was so beautiful.

"Thought you misses the mountainside and your family," nakangiting sabi nito sa kaniya. "I hope through that laser pointer, mabawasan yung pangungulila mo sa kanila."

"My God, this is so beautiful, Gab," naluluhang sabi niya rito. Hindi niya napigilan ang sarili at napayakap siya rito. "This is the most beautiful gift I've ever received."

Natigilan si Gabriel. Sa isang iglap, tila nawala sa lugar ang kaniyang puso nang yakapin siya nito. Pero sandali lamang iyon dahil agad ring binalot ng samut-saring masarap na pakiramdam ang kaniyang dibdib. There is always that effect whenever he holds this lady. Ang akala niya noong una ay pangungulila lamang iyon kay Eleanor ngunit nagkamali siya. Celene did really succeed in entering his heart through a different door. God, he's in love with her!

"I-I'm sorry, I'm just..." wika naman ni Celene na kumalas na mula sa pagkakayakap sa kaniya. Pinahiran nito ang namuong luha sa gilid ng mga mata gamit ang likod ng palad. "Goodness, thank you, Gab." Ngumiti ito sa kaniya. "I wish I can pay you back with anything."

"Actually, there is a way for you to pay me back," ngumiti ito sa kanya. "Dinner at my house. 7 pm. You can't say no."

Natawa si Celene. Hindi niya alam kung bakit ginagawa iyon ni Gabriel pero sobra-sobra siyang napapasaya nito. She nodded to his invitation.

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon