Sixteen

706 10 0
                                    

"I'M fine, April, swear." paninigurado niya sa kaibigan matapos siyang salubungin ng tawag nito kinabukasan. Kung minsan ay kinukutuban na siya na nahawa na ito sa kakaibang abilidad na taglay niya. Sa tuwing may mangyayari kasi sa kaniya ay bigla nalang itong tatawag na tila ba na-sense na may kakaibang nangyari. "Honestly, kay Gabriel ako nag-aalala. He was so devastated last night. Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungang magcope-up sa mga nangyayari."

"Seriously? Like what you did for him wasn't enough? Come on, Celene!" sarkastikong sabi nito sa kaniya. "Wala kang responsibilidad sa lalaking 'yan. Kung tutuusin nga, dapat tinanggihan mo siya nang sabihin niyang gusto ka uli niyang kausapin. Afterall, siya itong una nang nagpahayag ng apprehensions sa mga sinabi tungkol sa mumu niyang fiancé. Kaya wala kang responsibilidad sa kanya not unless..."

Nangunot ang noo ni Celene. Hindi niya gusto ang tono ng huling pahayag ng kaniyang bestfriend. Tila ba may kung ano itong nais ipahiwatig.

"Not unless ano?"

"Not unless attracted ka sa kaniya," walang paligoy-ligoy na sagot nito sa kaniya. "Come on, I saw the guy with my own two eyes. He's really good-looking. Don't tell me hindi ka attracted sa kaniya?"

"I am not attracted to him!" ang buwelta niya rito na hindi niya sinasadyang maging tunog defensive. "Come on, how can you say that?!"

"Kasi, yun lang naman ang naiisip kong dahilan kaya alalang-alala ka sa kaniya at hindi mo siya magawang tanggihan tungkol sa mga hiling niya tungkol sa fiancé niya."

"Pinagbibigyan ko siya kasi gusto kong tulungan yung kaluluwa ni Eleanor, 'yon lang 'yon." patuloy pa rin na pagdepensiya niya rito. "Really, it is not because I'm attracted to him or whatsoever."

"Siguraduhin mo lang, Celene," sabi nito sa kaniya na may himig ng babala ang tinig. "Dahil mahirap ma-attached sa isang lalaking nakakulong sa nakaraan ng yumao niyang kasintahan." she reasoned out. "Anyway, I have to go. Hinahanap na ako ng boss ko. Bye,"

Ni hindi na nagawa pang magpaalam ni Celene sa kaibigan. Naiwang nakabuka ang kaniyang bibig. Napapabuntong-hiningang ibinaba niya ang naturang telepono. Hindi niya alam kung bakit labis siyang naapektuhan sa huling tinuran ng kaniyang bestfriend tungkol kay Gabriel. Ipagpapatuloy na lamang sana niya ang paglilinis nang matanaw niya sa may bintana ang lalaking pinag-uusapan pa lamang nila kanina ng kaibigan. Sa kung anong kadahilanan ay parang may kung anong nag-udyok sa kaniya na lumabas at kamustahin ito. Tumakbo siya papunta sa may gate subalit nang makita niya na tila nagmamadali ito ay natigilan siya. Babalik na lamang sana siya uli sa loob nang hindi sinasadyang mapatingin din ito sa kanyang kinaroroonan. Nanigas siya at napigil ang hininga. Matagal itong nakatitig lamang sa kaniya bago pagkuwan ay ngumiti. She smiled back. Kumaway siya rito bago ito tuluyang sumakay ng sasakyan at patakbuhin iyon palayo.

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon