Five

806 14 0
                                    

IHINIMPIL ni Gabriel ang sasakyan sa tapat ng isang lumang two-storey na apartment. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan at mula doon ay tinanaw ang bahay na noon ay saradong-sarado. Habang pinagmamasdan niya iyon ay hindi naiwasang manariwa sa kaniyang isipan ang alaala ng kasintahan. Yung mga panahong binibisita niya ito doon at ihinahatid sa tuwing kakain sila sa labas o manonood ng sine. Humigpit ang pagkakakapit niya sa manibela ng kaniyang sasakyan. Kung may paraan lamang sana para mabalikan niya ang panahon na iyon ay gagawin niya makita lamang at makasamang muli ang pinakamamahal na kasintahan. Naputol ang kaniyang pagbubulay-bulay nang biglang bumukas ang gate ng naturang apartment. Iniluwal niyon ang isang middle-aged na babae na agad namang nakilala ni Gabriel.

"Magandang araw ho, Mrs. Tiangco," pagbati niya sa dating landlady ni Eleanor pagkababa ng kaniyang sasakyan. "Um, pasensiya na po sa abala, napadaan lamang po ako."

Hindi kaagad nagsalita ang ginang. Sa halip ay nanatili itong nakatitig lamang sa kaniya. Mababanaag sa mga mata nito ang magkahalong lungkot at pagkahabag para sa binata.

"Gab, hijo, kung sana lang kagaya ng dati ay maaari kong iharap sa'yo ngayon ang taong gusto mong makita, " nangingilid ang luha na sabi nito. "Pero, sa kasamaang palad, maski ako ay nangungulila sa kaniya hanggang ngayon."

Malungkot na ngumiti si Gab kay Mrs. Tiangco. Sana nga kagaya ng sinasabi nito ay gano'n lang kadali ang lahat sa dati. Na sa tuwing magkakaroon sila ng maliit na tampuhan ni Eleanor at ayaw siya nitong harapin, nariyan ang ginang, nakahandang gumawa ng paraan upang magkita at magkausap sila ng dalaga.

"Mrs. Tiangco, sapat na ho sa akin yung kaalaman na kagaya ko, hindi kayo nawawalan ng pag-asa na makikita natin muli si Eleanor." sinserong wika ni Gab sa ginang. "Magtiwala lang ho tayo at siguradong magbubunga din lahat ng paghihirap natin sa paghahanap sa kaniya."

Isang tango lamang ang itinugon doon ni Mrs. Tiangco. Nagpaalam na siya rito pagkatapos. Habang nagmamaneho pauwi sa sariling bahay ay laman pa rin ng kaniyang isip si Eleanor at ang kaniyang panaginip ukol dito. Napawi lamang iyon matapos marating ang sariling bahay at mapansin ang isang truck na nakaparada sa katapat-bahay. Dala ng kuryosidad ay hindi niya napigilan ang sariling suyurin iyon ng paningin pagbaba niya. Doon na niya napansin ang babaeng nakatayo malapit sa pinto ng truck. May hawak itong isang kahon. The girl is tall, thin, and short hair. Ito na yata yung naririnig niyang pamangkin ni Mrs. Francisca na pansamantalang maninirahan sa bahay ng ginang na katapat ng kaniya habang nasa Amerika ito at nagpapagamot. Hindi niya namalayan na napatagal na pala ang pagmamasid niya sa naturang babae. Naramdaman yata nito kaya bigla itong napatingin sa kaniya. Nagsalubong ang kanilang mga paningin bagaman sandali lamang. Agad rin kasing lumihis ang paningin nito sa isang gilid niya. All of a sudden, biglang nanlaki ang mga mata ng naturang babae. Nawala ang kulay sa buong mukha nito. Bago pa siya muling makakurap ay tuluyan na itong bumagsak at nawalan ng malay. Tumakbo siya at dali-dali itong sinaklolohan!

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon