Twelve

697 11 0
                                    

"KUNG alam ko lang, hindi ko na sana sinabi sa kaniya, April." maluha-luhang sabi ni Celene sa bestfriend. Na-depress siya pagkatapos ng naging takbo ng usapan nila ni Gabriel kaya agad niya itong tinawagan upang mapaglabasan ng mga saloobin. "Pakiramdam ko tuloy ngayon, mas lalo ko lamang pinabigat ang mga dinadala niya."

"Celene, huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan, okay?" anito na hinawakan ang isa niyang kamay. "Ginawa mo lang kung anong sa tingin mo ay tama. Besides, sa tingin mo ba kung itinago mo sa kaniya na nakikita mo yung kaluluwa ng fiancé niya ay titigilan ka nito? Paulit-ulit ka lang niyang guguluhin hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya sa'yo. Kaparis din ng ibang mga kaluluwang na-encounter mo before."

Napapikit nang mariin si Celene. Pitong taon lamang siya ng una niyang matuklasan ang tungkol sa kakaibang kakayahan. It made her life miserable. Naging laughingstock siya sa bawat paaralan na pinasukan niya nang dahil doon. And in one instance, muntik pang malagay sa bingit ng kapahamakan ang kaniyang buhay nang dahil isang kaluluwa na gustong angkinin ang kaniyang katawan. Ang buong akala niya ay tuluyan nang naisara ng kaniyang tiyahin na si Mrs. Francisca ang kaniyang third eye. Ilang taon na ring walang kaluluwang gumagambala sa kaniya hanggang paglipat niya doon at makita niya si Gabriel.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, April." naguguluhan na sabi niya sa bestfriend. "Alam ko na mayro'n siyang mensahe na gustong iparating sa akin at gusto ko siyang tulungan. Gustong-gusto ko siyang tulungan. Pero paano ko magagawa iyon kung ayaw naman maniwala at makipag-cooperate ng kasintahan niyang si Gabriel?"

"Look, Celene, you did what you can. Kinausap mo na ang kung sino mang Gabriel na 'yan tungkol sa fiancé niya. Pero kung ayaw niyang makinig sa'yo, hindi mo naman na siguro kasalanan iyon." sinserong sabi nito sa kaniya habang mahigpit na hawak ang kaniyang kamay. "I think that's enough. Nagawa mo kung ano ang gusto niya. Siguro naman titigilan ka na ngayon ng kaluluwa na 'yan."

Hindi siya sumagot. Iba ang pakiramdam niya sa kaluluwang gumagambala sa kaniya ngayon. Kung yung ibang mga dating kaluluwa na gumulo sa kaniya ay ginustong saktan siya, sa tingin niya ay iba ang isang ito. Her presence feels somehow calm and harmless. Parang ibig lamang talaga nitong humingi ng tulong mula sa kaniya.

"Listen to me, kung guluhin ka pa uli ng kaluluwa na iyan, tawagan mo ako." sabi nito sa kaniya. "I know a lot of paranormal experts that can help you habang hindi pa umuuwi ang tiyahin mo." hinaplos siya nito sa kaniyang pisngi. "Tawagan mo ako, okay?"

Ngumiti siya nang matipid rito saka tumango. Ilang sandali pa silang nag-usap bago ito tuluyang nagpaalam sa kaniya. Ihinatid niya ito palabas ng gate kung saan nito ipinarada ang sasakyan nito. Subalit saktong paglabas nila ay biglang dumating si Gabriel. Ilang sandaling nagtama ang kanilang paningin pagbaba nito subalit agad rin nito iyong binawi. Mabibigat ang mga hakbang na dali-dali na itong pumasok ng bahay nito. Kahit na sandali lamang nagtama ang kanilang mga paningin ay hindi niya maikakaila ang galit na nakapaloob doon. Na-gi-guilty na napasulyap siya kay April na nakakaunawang tinapik-tapik naman siya sa balikat. Nakipagbeso ito sa kaniya bago tuluyang umalis. Inihatid niya ng tanaw ang sinasakyan nito. Nang tuluyan na iyong maglaho ay hindi niya napigilan ang sarili at muli siyang napasulyap sa katapat-bahay. Wala na rin si Gabriel. Napabuga na lamang siya ng hangin.

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon