Twenty-Six

669 10 1
                                    

MALUNGKOT na pinagmasdan ni Celene si Gabriel. Nakaalis na ang lahat ng mga nakipaglibing pero nanatili itong nakatayo sa may puntod ni Eleanor. Hindi nagtagal matapos masuri ng mga awtoridad ang mga labi nito ay agad na rin itong binigyan nang maayos na libing ni Gabriel. Naroon ang mga kaibigan, dating landlady, at mga co-tenant sa inuupahan na apartment ng namayapang dalaga. Lahat sila ay hindi makapaniwala at hindi matanggap ang sinapit nito. They are all devastated and in pain pero hindi niyon matutumbasan ang paghihinagpis ni Gabriel. Magsimula nang matagpuan nila ang bangkay nito ay hindi ito kumakain o natutulog man lang. Madalang din kung ito ay makipag-usap kahit sa kaniya. Kung may magagawa lamang sana siya para kahit paano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman nito.

"Gab," aniya na hindi na rin napigilan ang sarili na hindi lapitan ito. "You should go home. Eat. Take a rest." Napabuntong-hininga siya. "Ilang araw mo nang pinapabayaan ang sarili mo."

Subalit hindi nagsalita si Gabriel. Nanatili itong nakatitig sa may lapida ni Eleanor. Bakas ang sakit sa mga mata nito.

"I wish Eleanor appear in my dreams again," pagkuwan ay wika nito. "Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong malaman kung sino ang hayop na gumawa nito sa kaniya. Nang sa gayon ay mapagbayad ko siya sa kahayupang ginawa niya."

The hatred in Gabriel's voice was really frightening. Kuyom na kuyom ang mga palad nito. Parang nakahandang makipagpatayan para lamang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Eleanor.

"Gab, I understand your pain. Pero hindi maitatama ng isa pang kasalanan ang isang kasalanan na. Huwag mong ilagay sa kamay mo ang hustisya, Gab, please." hinawakan niya ito sa isang braso. "Hintayin na lamang natin ang resulta ng autopsy at hayaan na lamang natin na ang awtoridad ang maghanap at magpataw ng parusa sa kung sino mang gumawa nito kay Eleanor."

Hindi uli nagsalita si Gabriel. Ni hindi ito nag-angat ng tingin mula sa may puntod. Nanatili ring mahigpit na nakakuyom ang mga palad nito.

"Mauuna na ako, Gabriel," napapabuntong-hiningang sabi niya rito nang makumbinsi ang sarili na hindi niya ito makukumbinsing umuwi na para magpahinga. "Please take care of yourself." huling bilin pa niya rito.

Iniwanan na niya ito. Parang lutang ang kaluluwa niya habang naglalakad palayo rito. Hindi niya alam kung bakit gayon na lamang siya naaapektuhan sa nangyayari dito. Saglit siyang natigilan nang matanaw ang isang pamilyar na lalaking kasalubong niya. Nang medyo makalapit na ito ay nakumpirma niya ang kaniyang kutob. It was Fred. Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito na para bang ilang araw nang hindi nakakatulog. Tiningnan lang siya nito at tinanguan bago nagdire-diretso sa kinaroroonan ni Gabriel. Napalunok siya. Parang may mali sa mga ikinikilos ni Fred. Hindi maganda ang kaniyang kutob.

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon