Thirty-two

660 9 0
                                    

"GABRIEL..."

Nagmulat ng paningin si Gabriel nang marinig ang malamyos na tinig na tumatawag sa kaniyang pangalan. Kahit hindi pa nakikita ay nakasisigurado siya na nanggaling iyon kay Eleanor. Kagaya ng inasahan, bumungad sa kaniya ang magandang mukha nito. Nakangiting inabot nito ang kaniyang kamay at itinayo siya. Doon na bumungad sa kaniya ang isang napakagandang lugar na napapalibutan ng mga punong-kahoy at sari-saring ligaw na bulaklak. Inakay siya nito patungo sa malinaw na batis di kalayuan.

"Salamat, Gabriel," sabi nito sa kaniya nang makaupo na sila sa may tabing-batis. "Salamat sa pagpapalaya sa akin."

"Huwag kang magpasalamat sa akin,Eleanor," napapalunok na tugon niya rito. "Hindi ko pa nahahanap ang taong gumawa sa'yo ng bagay na iyon,"

Hindi nagsalita si Eleanor. Sa halip ay pinagdaop nito ang mga palad sa magkabila niyang pisngi saka siya tinitigan nang direkta sa mga mata. Ngumiti ito sa kaniya.

"Gabriel," malamyos na usal nito habang marahang hinahaplos ang magkabilang pisngi nito. "Gusto mo bang manatili rito kasama ako?"

Natigilan si Gabriel. Hindi ba't matagal na niyang inasam na muling makasama si Eleanor? Bakit ngayong kung kailan binibigyan siya nito ng pagkakataon ay hindi siya makasagot? Parang biglang nagtatalo ang utak at puso niya.

"Gabriel, you already set me free. Ngayon, ang sarili mo naman ang palayain mo." makahulugang pahayag nito matapos niyang hindi makatugon."Mahalin mo ang kung sino mang gusto mong mahalin." Naluluhang ngumiti ito sa kaniya. "You deserves to be happy."

Nagmulat ng paningin si Gabriel. Hinihingal na bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kaniyang kama. Sinindihan niya ang lampshade. Panaginip, isang panaginip, habol pa rin ang hininga na naisaloob niya sa sarili. Binalikan niya sa isip ang mukha ni Eleanor. Hindi katulad noon ay higit nang maaliwalas ang anyo nito. Marahil ay tuluyan nang napanatag ang kaluluwa nito matapos nilang matagpuan ang mga labi nito. Sa kabila niyon, hindi niya pa rin maiwasang hindi mabagabag. Eleanor asked him if he wants to stay with her pero hindi siya sumagot. Hindi niya alam kung bakit hindi siya sumagot. Mahalin mo ang kung sino mang gusto mong mahalin, ang sabi nito sa kaniya. For some reason, ang imahe kaagad ni Celene ang pumasok sa kaniyang isip nang maalala niya iyon. These past few days, he can't stop thinking about her pagkatapos siya nitong alagaan at bantayan. He's obviously falling for the woman but he can't make up his mind dahil pakiramdam niya ay hindi pa tapos ang responsibilidad niya kay Eleanor. Iyon ang bumabagabag sa kaniya bago niya tuluyang mapanaginipan si Eleanor nang gabing iyon. What do you mean, Eleanor? he asked himself. Posible kaya na binibigyan na siya ng basbas ng yumaong kasintahan to go after Celene?

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon