Forty-one

640 9 0
                                    

NAGTULOS ng kandila si Gabriel sa harap ng puntod ni Eleanor. Sinubukan niyang matulog subalit hindi siya pinagpapahinga ng magkakahalong emosyon sa kaniyang dibdib. Naisip niya na puntahan na lamang ang puntod nito nang sa gayon ay gumaan kahit paano ang kaniyang pakiramdam. Naupo siya sa harap niyon at marahang hinaplos ang puntod nito.

"Kamusta ka na, Eleanor?" wika niya habang patuloy ang paghaplos sa puntod ng dalaga. "Pasensiya ka na kung gabing-gabi na, inaabala pa kita, ha?"

Isang nakabibinging katahimikan ang sunod na lumaganap. Matagal na pinagmamasdan lamang niya ang puntod nito na tila hinihintay na sumagot iyon sa kaniya. Pagkuwan ay napabuntong-hininga siya.

"S-siya nga pala, lumabas na yung autopsy report sa mga labi mo, Eleanor," sa puntong iyon ay hindi na niya napigilan ang sariling emosyon. His voice started to choke. Nag-init rin ang magkabilang gilid ng kaniyang mga mata. "A-ang sabi, traumatic head injury daw ang ikinamatay mo. I-I just can't imagine that someone will do such evil thing to you. Nakakagalit nang sobra-sobra, Eleanor."

Kumuyom ang kaniyang mga palad. Tuluyan nang pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Napatakan niyon ang puntod ng dalaga.

"I-I can't imagine how you suffered, Eleanor. It must be so hard for you. Sana, may nagawa man lang ako para mailigtas ka." patuloy siya sa pag-iyak. "K-kung may kakayahan lang din sana ako kagaya ni Celene para makita at makausap ka. Ako na mismo ang gagawa para malaman ko kung sinong gumawa sa'yo nito. Ayoko nang madamay pa siya rito. I already lose you at ayokong pati siya ay mawala pa sa'kin, Eleanor. Mahal ko siya..."

Pinahid niya ang mga luhang pumatak sa puntod nito gamit ang kamay. Muling luminaw ang pangalan ng dalaga na nakalimbag sa may lapida. Pinagmasdan iyon ni Gabriel.

"Pero huwag kang mag-aalala, Eleanor, hahanap ako ng ibang paraan." determinadong sabi niya rito. "Gagawin ko ang lahat para mahanap at mapagbayad sa batas ang gumawa sa'yo nito. Ipinapangako ko 'yan. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay mo."

Hinaplos niya sa kahuli-hulihang pagkakataon ang puntod ng dalaga bago siya nag-alay ng isang dasal para rito. His feet feel so heavy as he descended away from it. Samantala, habang naglalakad naman palayo doon ay isang pigura ang lumitaw mula sa likod ng isang malapit na puno. Pinagmasdan siya nito habang pinapaharurot niya palayo ang kaniyang sasakyan. Nang tuluyan nang makaalis si Gabriel ay tinanggal ng naturang pigura ang hood ng suot na jacket—it was Fred!

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon