December 2013
"GABRIEL, saan mo ba kasi talaga ako dadalhin?" nakatawang wika ni Eleanor habang panay ang kapa sa mga kamay ng nobyo na noon ay parehong nakasaklob sa kaniyang mga mata. "Ikaw, baka kung ano naman ito, ha?"
"Just wait and see, babe," masuyong wika naman nito sa kaniyang tenga. Ilang sandali pa huminto ito sa pag-agapay sa kaniya sa paglalakad. Dahan-dahan nitong tinanggal ang mga kamay na nakasaklob sa mga mata niya. "Now, open your eyes."
Kagaya ng sinabi nito ay dahan-dahang iminulat ni Eleanor ang kaniyang mga mata. Natutop niya ang sariling bibig nang sumalubong sa kaniya ang isang magarang bahay na napapalamutian ng iba't-ibang kulay na mga ilaw. Kamukhang-kamukha iyon ng bahay na i-ni-layout ng binata para sa kaniya noong third year anniversary nila.
"Oh my goodness," pigil ang hiningang sinulyapan niya ang nobyo na noon ay malapad ang ngiting nakatingin sa kaniya. "Ano ito, Gabriel?"
"This is going to be our future home," makahulugang pahayag nito. Hindi niya inasahan ang sunod nitong ginawa. Lumuhod ito saka inilabas ang isang kahita na naglalaman ng isang makinang na singsing. "I love you so much, Eleanor. Wala na akong iba pang babaeng nakikita na gusto kong kasamang bunuin ang future ko kung hindi ikaw. Will you marry me?"
Hindi na nagawa pang pigilan ni Eleanor ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. Naluluhang tumango siya rito saka yumakap rito. Nang kumalas ito sa kaniyang pagkakayap ay isinuot nito sa isa niyang daliri ang singsing saka siya dinampian nang isang masuyong halik sa kaniyang mga labi.
"I love you, Gabriel," umiiyak pa rin na sabi niya sa lalaki pagkatapos ng pinagsaluhan nilang halik. "I love you so much."
INIYAKAP ni Eleanor ang isang bisig sa beywang ni Gabriel na kinuha naman nito. Itinaas nito ang kaniyang kamay at masuyong dinampian ng halik. Napangiti siya. It was the very first time that they made love sa loob ng limang taon nilang relasyon. And they did it in a special place of their new home—isang espesyal na lugar kung saan tanaw nila ang makikinang na buwan at mga bituin sa kalangitan.
"Gabriel?"
"Hmm?"
"Paano kung dumating yung oras na bigla nalang akong mawala?" out of nowhere ay tanong ng dalaga. "Anong gagawin mo?"
Napabalikwas si Gabriel. Tumagilid at kunot-noong tinitigan siya. Kahit na wala pa mang salitang lumalabas sa bibig nito ay tila pinapagalitan na siya ng mga mata nito.
"Why are you talking rubbish all of a sudden, Eleanor?" sabi nito sa kaniya. Bahagya itong bumangon. Inilagay ang isang kamay sa isa niyang pisngi. "Hindi ka mawawala sa akin, okay? I will never allow that to happen. Never."
"You really do love me," nakangiting sabi ni Eleanor na inilagay rin ang isang kamay sa isang pisngi nito saka dahan-dahang hinaplos iyon. "Pero paano nga kung mangyari? Anong gagawin mo?"
Napabuga ng hangin si Gabriel. Ilang sandaling nakatitig lang ito sa kaniya. Hindi nagsasalita.
"Alam mo, hindi natin dapat pinag-uusapan ang mga bagay na hindi mangyayari, babe," sabi nito sa kaniya. "Ang mabuti pa, ang pag-usapan nalang natin, yung future natin." ngumiti na uli ito sa kaniya. "Ilan ang gusto mong maging anak?"
"Hmm?" ani Eleanor na wari'y nag-iisip. "Honestly, I want many kids as we can. Hindi ko kasi naranasan ang magkaroon ng kapatid. Being an only child, napakalungkot. Pagkatapos, namatay pa nang maaga sina mommy at daddy." tiningnan niya nang direkta sa mata si Gabriel. "Kaya, kung ilan ang ipagkaloob sa atin ng Diyos, okay sa akin. Mas marami mas masaya. Parang kung gaano kami kasaya sa apartment ni Mrs. Tiangco."
Nagkatawanan sila na para bang sinasariwa ang mga masasayang alalang nabuo sa apartment ni Mrs. Tiangco na napakaraming tenant. Pagkuwan ay nagkatinginan sila. They smiled and kissed each other.
"I love you so much, Eleanor," masuyong wika ni Gabriel habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa mukha nito. "Kahit na anong mangyari, hindi ko hahayaang mawala ka sa akin."
BINABASA MO ANG
LOST SOULS [COMPLETED]
ParanormalPara kay Gabriel, iisa lamang ang multong hindi niya magawang takasan. Ang multo ng kaniyang nakaraan na nag-ugat sa biglaan na lamang pagkawala ng pinakamamahal na kasintahang si Eleanor. Umasa siya hanggang sa huli na muli niya itong makakapiling...