Twenty-four

690 9 0
                                    

GINAWAN ng sketch ni Celene ang lugar sa kaniyang panaginip. Ang lugar kung saan nila pinaniniwalaang nakabaon ang bangkay ni Eleanor. She made it look as close as to what it appears to be in her dream: Masukal. Madamo. Maraming puno ng kawayan. Plano nilang magbahay-bahay at ipagtanong sa mga taong naninirahan sa Sitio Isidro sa oras na marating na nila iyon kung may nakaaalam ba sa nasabing lugar.

"Wow," namamanghang naibulalas ni Gabriel habang pinagmamasdan ang kaniyang sketch. "How come that you're really good at this?"

"I am a freelance artist," pag-amin niya sa binata. "Five years old palang ako ay nakitaan na ako ng talent nina mommy at daddy kaya nagdecide sila na ipasok ako sa isang art school para mas madevelop pa ang talent ko." pagkukuwento niya. "It was such an enjoyable experience. They are so proud about my artworks. Not until I reached the age of seven."

"Why?" ang kunot-noong tanong nito sa kaniya. "What happened when you're seven?"

"I started to draw strange beings. I started to draw a woman with a bloody veil. Faceless children and priest with no head." Nagbuga ng hangin si Celene. Looking back to that experience now gives her goosebumps. Na para bang nasa paligid lamang nila ang kaniyang mga binanggit. "Natakot yung parents ko. Ang akala nila haunted yung art school na pinapasukan ko so they stopped sending me there. But it never end." pagpapatuloy niya. "Patuloy nila akong ginulo—ng mga nilalang na hindi nakikita ng ibang pangkaraniwang tao. There's this one instance na muntik nang i-possess ng isang kaluluwa ang katawan ko. Takot na takot sina mommy and daddy. Doon na sila nagdecide na dalhin ako sa tiyahin ko na may kaalaman sa paranormal stuffs. Nagtagumpay siyang isara yung third eye ko. I lived peacefully for years not until the day that I met you and I saw the ghost of Eleanor by your side. Parang mula no'n, muling nanumbalik ang kakayahan ko—but only to Eleanor. Strange but, siya lang ang tanging kaluluwang nagpapakita sa akin pati na rin sa panaginip ko."

Napabuntonghininga si Gabriel. Gumuhit ang guilt sa mga mata nito. Sa gulat niya ay hinawakan nito ang isa niyang kamay.

"I'm sorry that you have to go through all of this again, Celene," sabi nito sa kaniya. "Pinapangako ko, pagkatapos nang lahat ng ito, ako mismo ang gagawa ng paraan upang muling maisara ang third eye mo."

Isang matipid na ngiti lamang ang nagawang itugon rito ni Celene. For some reason, ngayong hawak nito ang kaniyang kamay, parang muling binalot ng samut-saring masarap na pakiramdam ang loob niya. Naging kalmado ang paligid niya. Nagpatuloy na sila sa pagbiyahe patungong Sitio Isidro pagkatapos niyon. Malubak at maputik ang daan patungo roon bagaman, dala na rin marahil nang marubdob na pagnanais ni Gabriel na agad na marating ang lugar at mahanap si Eleanor, nagawa nilang malampasan ang bali-balikong daan. Kitang-kita niya ang relief sa mukha nito nang matanaw nila ang arko na nagsasabing nasa Sitio Isidro na sila. Hindi alintana ang sikat ng araw na inisa-isa nila ang mga bahay na madaanan nila para ipakita ang naturang sketch subalit walang makapagturo sa kanila kung saan may lugar na kapareho ng nasa sketch ni Celene.

"Don't lose hope, Gab," sabi niya sa binata na kakikitaan na ng pagod at kawalang pag-asa. "I'm sure mahahanap rin natin kung saan ito."

Tumango lamang si Gabriel. Sa pagpapatuloy nila sa paghahanap ay may natagpuan silang ilang likod bahay na malapit sa nasa sketch. Pinakiramdamang mabuti iyon ni Celene subalit wala siyang anumang kakaibang enerhiyang nasagap doon kaya sa huli ay napilitan din silang lisanin agad iyon. Inabutan na sila ng dilim sa daan ngunit negatibo pa rin ang naging resulta ng kanilang paghahanap.

"Kung sana lang ay may kakayahan rin akong katulad mo," sabi sa kaniya nito matapos nilang magdesisyon na ipagpabukas na lamang uli ang paghahanap at sa halip ay maghanap ng inn na pupuwede nilang tuluyan nang gabing iyon. "Siguro makikita ko rin si Eleanor at mas magiging madali ang paghahanap natin sa kaniya."

"Gab, I know it's been a rough day for you," nakakaunawang sabi niya rito. "Huwag kang mag-alala, marami pa namang kabahayan dito sa Sitio Isidro ang hindi natin napupuntahan." pag-e-encourage niya rito. "I'm sure, one way or another, mahahanap din natin kung saan talaga dito ang lugar na nasa sketch."

Ngumiti sa kaniya si Gabriel. Parang kahit papaano ay nagawa niyang mapawi ang pagod sa mga mata nito. Napangiti na rin siya. Nagpatuloy sila sa paghahanap ng inn na pupuwede nilang tuluyan, ngunit sa kasamaang palad, nasiraan sila. Mabuti na lamang at may malapit na talyer silang nadaanan. Agad nilang dinala doon ang sasakyan ng binata.

"Para ho sigurado ay bukas n'yo na balikan," sabi ng may-ari kay Gabriel. "Karamihan ho kasi sa mga manggagawa namin ay nakauwi at namamahinga na, eh. Hindi ko naman ho ito kakayanin na gawin ito mag-isa dahil medyo mabigat ang sira. Kaya ho bukas n'yo nalang sana balikan."

Habang nakikipag-usap si Gabriel sa naturang may-ari at nagsusumamo na kung puwede ay remedyuhan na ang kanilang sasakyan dahil kailangan pa nilang maghanap ng matutuluyan, hindi naman napigilan ni Celene ang sarili na usisiin ang likuran ng talyer. Parang may kung anong puwersa ang nag-udyok sa kaniya na magpunta doon. Habang palapit nang palapit sa likuran ay mistulang may nakasunod na mga yabag kay Celene. Tila sinisigurado na mararating niya ang naturang lugar. Di kalaunan ay bumayo ang malakas na hangin. Napahinto siya nang mapansin ang matataas na damo sa paligid. Kakaba-kabang kinuha niya ang kaniyang cell phone. Inilawan niya ang naturang lugar nang sa gayon ay makita niya ang kabuuan niyon. Gayon na lamang ang panghihilakbot niya nang makita ang matataas na punong kawayan sa paligid at ang masukal na kapaligiran. Kaparehong-kapareho iyon ng nasa kaniyang sketch. Parang may sumuntok sa kaniyang sikmura. Biglang nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Bago pa tuluyang matumba ay ubod lakas na tinawag niya ang pangalan ng binata. "Gabriel!!!"

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon