Twenty-nine

655 8 0
                                    

NAGBUNTONG-HININGA si Celene. Ilang beses siyang nag-urong-sulong sa pagkatok sa may pinto ng bahay ni Gabriel. Alam niyang nagdadalamhati pa rin ito sa nangyari kay Eleanor. And as much as possible, gusto niya itong bigyan ng panahon para mapag-isa, pero nag-aalala na siya rito. Ilang araw na niya itong hindi nakikitang lumalabas kaya naman nagdesisyon na siyang puntahan ito nang personal.

"Gabriel?" she called out after knocking three times. Pero walang sumagot sa kaniya. Sinubukan niyang pihitin ang door knob at nang madiskubreng hindi iyon naka-lock ay nagdecide siya na buksan iyon. Tumambad sa kaniya si Gabriel na nakahandusay sa sahig. "Oh my goodness, Gabriel!"

Dali-dali siyang tumakbo palapit sa kinaroroonan nito. Inangat niya ang ulo nito at ipinatong sa kaniyang hita. Nagkalat ang bote ng alak sa bahay nito. Mukhang ilang araw na itong walang humpay sa pag-inom.

"For goodness' sakes, ano ba naman itong ginagawa mo sa sarili mo, Gabriel!" she cried out. Kinuha niya ang phone nito na nakapatong sa may center table. "I'm going to call for help."

Bahagya lamang nag-angat ng paningin si Gabriel. Sa gulat niya ay hinablot nito mula sa kaniya ang phone bago pa man siya tuluyang makapag-dial. Pinilit nitong tumayo pagkatapos.

"Okay lang ako," sabi nito saka pagewang-gewang na tumayo at naglakad. "Just go home, Celene."

"P-pero..."

Hindi na nagawa pang ituloy ni Celene ang sinasabi. Natigilan siya nang biglang bumagsak si Gabriel. Nilapitan niya itong muli at inalalayan. Dinala niya ito sa may kuwarto nito. Hindi na siya tumawag pa ng tulong kagaya ng una niyang naisip. Siya na mismo ang nag-asikaso rito. Pinalitan niya ito ng damit saka pinunasan. At dahil, hinang-hina, wala na itong nagawa. Kalaunan ay nakatulog na lamang ito.

"Why are you doing this to yourself, Gabriel?" saad niya habang matamang pinagmamasdan ang tulog nitong kaanyuan. Nang hindi mapigilan ang sarili ay marahan niyang sinuklay-suklay ang buhok nito gamit ang kaniyang daliri. Why, it felt so good doing that. It felt so good taking care of him. "I am here, Gab. Hindi mo kailangang solohin lahat. If you could just... notice me."

Napabuntong-hininga siya. Sa araw-araw ay tila lalong lumalawig ang nararamdaman niya para sa lalaki. Para iyong sanga ng isang puno na hindi niya mapigil ang paglago. Alam niyang mali at alam niyang masasaktan lamang siya pero hindi niya pa rin mapigil ang sarili na hindi sumugal. Hindi niya pa rin mapigilan na hindi ilapit ang sarili rito.

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon