"HERE'S your chamomile tea," sabi ni Celene saka inilapag sa may table sa tabi ng kama ni Gabriel ang naturang tasa ng tsa. Nang bahagya itong makalmante kanina ay ihinatid niya ito sa may bahay nito. She knows that he was emotionally drain that's why she decided to tucked him into bed. "Bago ka matulog ay inumin mo ito. Makakatulong ito para kahit papaano ay gumaan ang iyong pakiramdam."
Subalit hindi tumugon si Gabriel. Sa halip ay nanatiling nakatitig lamang ito sa blangkong kisame. Tila kinukurot ang puso ni Celene habang pinagmamasdan niya ito ngayon. Halatang mahal na mahal nito si Eleanor kaya halos ikabaliw nito ang mga nangyayari ngayon. Nagbuga siya ng hangin.
"Good night, Gabriel,"
Tatalikuran na sana niya ito subalit natigilan siya nang bigla nitong hilahin ang isa niyang kamay. Kakabog-kabog ang dibdib na nilingon niya ito. Nakita niyang nakatitig ito sa kaniya.
"I appreciate your kindness," masuyong sabi nito sa kaniya. Ang kaninang mga mata nitong puno ng lumbay ay tila nagkaroon kahit paano ng buhay. "Thank you,"
Isang hindi maipaliwanag na damdamin ang biglang lumukob sa puso ni Celene. It was the very first time that she felt something like which caught her off guard. Tumango na lamang siya rito at dali-dali nang lumabas ng kuwarto nito. Nang masiguradong hindi na siya abot ng paningin nito ay saglit siyang huminto. Inilagay niya ang kamay sa tapat ng dibdib. Ang bilis-bilis ng tibok niyon na para siyang nakipagkarera.
"Hindi, wala lang ito," sabi niya sa sarili. Tuluyan na sana niyang lilisanin ang bahay nito subalit agad rin siyang natigilan. Napukaw ang kaniyang atensyon sa mga plakeng naka-display sa isang bahagi ng naturang bahay. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kaniya. Parang may sariling buhay ang kaniyang mga paa na lumapit siya doon at isa-isang tiningnan ang naturang mga plake. Karamihan sa mga iyon ay mga excellence award na nakamit nito sa propesyon nitong engineering. Mayro'n din isang recognition na naka-display doon galing sa pinagtatrabahuhan nitong isang kilalang firm. Suddenly, she caught herself smiling. Muli niyang nilingon ang kuwarto nito na noon ay saradong-sarado na. "Oh, Gabriel. How I wish maging okay ka na. Sana magawa mo na uling dagdagan ang mga plake na ito."
BINABASA MO ANG
LOST SOULS [COMPLETED]
ParanormalPara kay Gabriel, iisa lamang ang multong hindi niya magawang takasan. Ang multo ng kaniyang nakaraan na nag-ugat sa biglaan na lamang pagkawala ng pinakamamahal na kasintahang si Eleanor. Umasa siya hanggang sa huli na muli niya itong makakapiling...