"AYON ho sa statement ng may-ari ng talyer, mag-iisang taon pa lamang silang nag-o-operate sa lugar, kaya wala silang ideya ukol sa nangyaring krimen doon three years ago. Ang lugar naman daw ho kung saan eksaktong natagpuang nakabaon ang mga labi ay isang abandonadong lote. Hindi nila alam kung sino ang nagmamay-ari niyon." paliwanag ng police officer kay Gabriel. "Bukod po sa talyer ay iisang bahay lamang ho ang nakitang malapit sa location. Pero matagal na rin iyong abandonado. Ang bahay ay dating pagmamay-ari ng mag-asawang sina Mr. and Mrs. Tuazon ngunit ngayon ay nakapangalan na sa kanilang anak na si Mr. Fred Tuazon."
Parang biglang natuyuan ang lalamunan ni Gabriel nang marinig ang huling pangalang tinuran ng officer. Hindi niya alam kung nagkamali lamang siya ng dinig o talagang pangalan ng kabigan ang binanggit nito. Mataman niyang tinitigan ang police officer.
"I-I'm sorry—Fred Tuazon?" napapalunok na pag-uulit niya sa pangalang binanggit nito. "The house is owned by a person named Fred Tuazon?"
Tumango ang police officer. Ipinakita nito sa kaniya ang isang dokumento kung saan nakasulat ang pangalan ng kaibigan. Sa gilid niyon ay may maliit na black and white picture ring nakalimbag—it was indeed Fred.
"Kakilala n'yo ho ba ang taong ito?" tanong ng officer sa kaniya. "Maaari ho kasi natin siyang hingan ng statement kung may nalalaman siya ukol sa krimen na nangyari sa lugar three years ago."
Hindi kaagad nagawang tumugon ni Gabriel. Nagtatalo ang kaniyang isip sa nalaman. All along, he thought he knew Fred, ngunit marami pala siyang hindi alam sa pagkatao nito.
"Y-yes, officer, I do know him," pagkuway tugon niya rito. "Kasamahan ko ho siya sa may firm na pinagtatrabahuhan ko."
"Kung gano'n ho ay baka pupuwede n'yo siyang kausapin," sabi nito sa kaniya. "Pakisabi sa kaniya na baka puwede namin siyang makuhanan ng statement."
Isang tango lamang ang itinugon rito ni Gabriel. Nagtungo na siya sa may firm pagkatapos. Pagdating doon ay si Fred kaagad ang kaniyang hinanap subalit ni bakas ng anino nito ay hindi niya natagpuan.
"I have no idea where is Fred," tugon sa kaniya ni Vincent nang tanungin niya ito. Magkasama ang dalawa sa project kaya inakala niyang alam nito kung nasaan ang lalaki. "Ang totoo nga niyan, we have a meeting this early morning regarding our project, pero hindi siya sumipot. We tried calling him many times. Hindi niya sinasagot yung phone niya."
Nagulat si Gabriel sa nalaman. Fred is one of the most efficient architect in the firm at alam niya kung gaano nito kagustong ma-deal ang project na iyon. It was very unlikely na basta na lamang nito iyon babalewalain.
"You're much more closer to him so, if you ever see him, tell him to talk to me," sabi sa kaniya ni Vincent. "I have to know his plans regarding this fucking project."
Tumango na lamang si Gabriel. Hindi na maganda ang kaniyang kutob ukol sa basta na lamang pagkawala ni Fred. Susubukan niya rin sanang kontakin ito subalit natigilan siya nang makitang may message siya mula sa isang unknown number. Binuksan niya ang naturang mensahe at gayon na lamang ang pagkawala ng kulay sa kaniyang mukha ng mabasa ang nilalaman niyon: Hawak ko si Celene. Kung gusto mo pa siyang makitang buhay ay magpunta ka sa address na ipapadala ko sa'yo. Huwag kang magsasama ng pulis!
BINABASA MO ANG
LOST SOULS [COMPLETED]
ParanormalPara kay Gabriel, iisa lamang ang multong hindi niya magawang takasan. Ang multo ng kaniyang nakaraan na nag-ugat sa biglaan na lamang pagkawala ng pinakamamahal na kasintahang si Eleanor. Umasa siya hanggang sa huli na muli niya itong makakapiling...