PINIGILAN ni Gabriel ang sarili na lingunin si Celene habang naglalakad ito palayo. He badly wants to hug her and cry on her shoulders but he also forbid himself to do that. Sa ilang araw na pagsasama nila ay tila nasanay na siyang lagi niyang nasa tabi ito. He thought it was unfair to her lalo pa at natagpuan na nila ang bangkay ni Eleanor. Wala na itong resposibilidad sa kaniya at hangga't maaari ay ayaw niya namang abusuhin ang kabaitang ipinapakita nito.
Subalit nang may kamay ang dumantay sa kaniyang balikat ay umasa siyang bumalik si Celene. Kung nagkataon ay baka hindi na niya napigil ang sarili at baka tuluyan na niya itong nayakap. Nasasabik na lumingon siya subalit sa kaniyang pagkadismaya ay si Fred ang bumungad sa kaniya. Naalala niya ang naging pagtatalo nila noong huli nilang pagkikita matapos niya itong masilayan. Tila nagdilang-anghel ito—hindi na nga kailanman pa babalik si Eleanor.
"G-Gab, I'm sorry because of what happened last time," anitong hindi magawang tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata. "A-and I'm sorry... for your loss."
Wari'y naglubag naman ang kaniyang loob sa paghingi nito ng paumanhin. Matipid siyang ngumiti rito. Tumango.
"S-so... you found her... y-you found Eleanor," pinagmasdan nito ang puntod ng dalaga subalit sandali lang. "H-how did you find her?"
Nagbuga ng hangin si Gabriel. Naalala niya lahat ang paghihirap na pinagdaanan matuklasan lamang ang kinaroroonan ng bangkay nito. Ngunit hindi pa rin niyon matutumbasan ang paghihirap na pinagdaanan nito. Kumuyom ang kaniyang mga palad.
"Hindi na mahalaga kung paano ko siya natagpuan," matigas na pahayag niya. "Ang mahalaga ay ang matagpuan ko kung sinong hayop ang gumawa nito sa kaniya." mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kaniyang palad. "Hayop siya! Hindi ako papayag na hindi niya mapagbayaran ang kahayupang ginawa niya kay Eleanor. Susuyurin ko pati ang impiyerno mahanap ko lang siya!"
Natagalan bago sumagot si Fred. Nakatitig lamang ito kay Gabriel. For some reason, parang bigla rin ang pagguhit ng sindak sa mukha nito.
"O-o, bro, easy," pagkuwan ay sabi nito saka natetensyong tumawa. "M-may lead na ba ang mga pulis tungkol dito?"
Umiling siya. Mistula namang bumalik ang kulay sa mukha ni Fred. Ibinalik ni Gabriel ang paningin sa puntod ni Eleanor.
"Ipinapangako ko, hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang gumawa nito sa kaniya," saad niya. "Ipinapangako ko, bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Eleanor."
BINABASA MO ANG
LOST SOULS [COMPLETED]
ParanormalPara kay Gabriel, iisa lamang ang multong hindi niya magawang takasan. Ang multo ng kaniyang nakaraan na nag-ugat sa biglaan na lamang pagkawala ng pinakamamahal na kasintahang si Eleanor. Umasa siya hanggang sa huli na muli niya itong makakapiling...