Twenty-three

687 10 0
                                    

NATAPIK ni Celene ang sariling noo nang matuklasan na nakalimutan pala niyang kumuha ng malinis na damit sa kaniyang bag bago siya pumasok ng banyo. She was now nude and wet. Wala na siyang ibang choice kung hindi ang balutin ang sarili ng tuwalya at lumabas para kumuha ng damit. Napabuga siya ng hangin nang maisip na sa paglabas niya ay si Gabriel ang unang tatambad sa kaniya. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kaniya lately. It was strange but these past few days she can't help but notice how conscious she became when Gabriel is around. Kahit na sa simpleng pagdidikit lang ng kanilang balat ay tila nahihipnotismo siya. At ngayon, parang mababaliw naman siya sa kakaisip na magsasalo sila sa iisang kuwarto. Sa iisang kama. Ano bang nangyayari sa kaniya? ipinilig-pilig niya ang kaniyang ulo. Bago siya tuluyang lumabas ay humugot muna uli siya ng isang malalim na hininga.

Paglabas niya ay nakita niya si Gabriel na nakatayo sa may tapat ng bintana. Laking pasasalamat niya na nakatalikod ito at tila malalim ang iniisip. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kaniyang bag na nakalapag sa ilalim ng kama. She was praying na sana ay hindi lumingon si Gabriel subalit kung kailan malapit na siya sa naturang bag at saka pa ito tila nakaramdam. Lumingon ito at bahagyang napatda nang makita siyang nakatapis lamang ng tuwalya.

"Um, a-ano, um," hindi magkandatuto niyang naipahayag. "Kukuha lang sana ako ng damit sa bag ko."

Mabilis pa sa alas-kuwatrong dinukwang niya ang kaniyang bag. Hindi na siya nag-abalang halukayin pa iyon upang maghanap ng damit. Literal na dinala niya ang buong bag sa may banyo. Napapalunok namang naiwan si Gabriel. Celene was really attractive, and to be honest, may mga pagkakataong natatagpuan niya nalang ang sariling uneasy dahil dito. Somehow, mayro'ng kung anong damdaming binubuhay ang dalaga sa kaniyang loob at natatakot siyang alamin kung ano iyon. Sa huli ay napabuntong-hininga na lamang siya.

"Um, nagrequest pala ako ng extra sheets and pillows," saad niya rito pagkalabas nito ng banyo. "You can sleep on the bed, dito nalang ako sa may sahig."

"Oh," tumango-tango si Celene. Dumiretso na siya sa may kama at inayos ang mga pinagbihisan sa isang bahagi ng kaniyang bag. Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit tila nakaramdam siya ng panghihinayang na hindi pala sila magkakatabi ni Gabriel sa kama kagaya ng una niyang inakala. Nagsuklay siya at sandaling nag-ayos ng ilan pang gamit. Nang makita na nakahiga na si Gabriel sa baba ng kama ay naisip niya na patayin na ang mga ilaw. "Papatayin ko na yung ilaw."

Tango lamang ang naging tugon ni Gabriel. Nang mapatay ang ilaw ay sinindihan niya ang lampshade na nakapatong sa may bedside table. Humiga na siya ng kama at sinubukang matulog pero sa di maipaliwanag na dahilan ay tila nawala ang lahat ng pagkahapong nararamdaman niya kanina. Sa isang iglap, bigla siyang naging aware sa kahit na mumunting galaw lang ni Gabriel sa ibaba ng kama. Alam niyang tulad niya ay hindi rin ito makatulog.

"Alam mo bang ayaw na ayaw ni Eleanor na nakapatay ang mga ilaw?" out of nowhere ay biglang ipinahayag ni Gabriel. Mukhang tulad niya ay naramdaman din nito na hindi pa siya natutulog. "Ang sabi niya, sa tuwing matutulog daw kasi siyang nakapatay ang mga ilaw, nananaginip siya nang masama."

Mula sa pagkakatihaya ay tumagilid si Celene. Sinilip niya si Gabriel mula sa kaniyang ibaba. Sa malamlam na liwanag ng lampshade ay tila iginuhit lamang ang guwapong mukha nito.

"Mahal na mahal mo talaga si Eleanor, ano?" sabi niya rito. Hindi niya alam kung bakit. But for some reason, hindi niya naiwasang makaramdam ng kaunting inggit. "Paano kayo nagkakilala?"

"It was all by accident. I was bored that night. Naisip kong magpunta sa bagong tayong music bar na usap-usapan ng mga kasamahan ko sa trabaho. Oldies ang tema ng tugtugan nang gabing 'yon. Actually, hindi naman talaga ako interesado. Gusto ko lang uminom. Hanggang sa dumating sa huling kanta at nagpaanyaya yung banda na kung sino raw ang gustong sumayaw, magpunta lang sa dancefloor. There, I saw her for the very first time." Mistula itong nananaginip habang sinasariwa ang alaala ng una nilang pagkikita nito. "Parang naninikip ang dibdib ko sa galak habang pinagmamasdan ko siyang sumayaw ng Till There Was You. She was the most beautiful thing I've ever seen that I promised myself, hinding-hindi ako uuwi nang gabing 'yon nang hindi ko nalalaman ang pangalan niya. So, I followed her." Napangiti ito. "Ibinigay ko sa kaniya ang ID at cellphone ko para lamang mapapayag ko siyang ihatid sa inuupahan niyang apartment."

"Apartment?" aniya na hindi na napigilan ang sarili na hindi mag-usisa. "Nakahiwalay si Eleanor sa mga magulang niya?"

"Namatay ang mama ni Eleanor ng dahil sa heart attack after college. Na-depress ang papa niya sa nangyari at di kalaunan ay sumunod itong namatay. Ginusto niyang mag-stay sa kanilang bahay, but with all the painful memories there, nagdecide siya na umalis." patuloy na pagsasalaysay nito. "Nakatagpo siya ng bagong pamilya sa bagong nilipatan niyang apartment. Bagong nanay sa landlady niya na si Mrs. Tiangco. At kapatid sa mga tenant. Masaya siya doon. Nang dahil sa kanila, muli siyang nabuhayan ng loob para ipagpatuloy ang kaniyang pangarap. Ang maging isang professional dancer."

Hindi alam ni Celene kung anong nangyayari sa kaniya. Habang pinapakinggan niya ito ay ramdam na ramdam niya kung gaano kamahal ng lalaki si Eleanor. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila biglang nanikip ang kaniyang dibdib sa kaalamang iyon.

"Gabriel, si Eleanor," patuloy niyang usisa sa kabila ng hindi maipaliwanag na paninikip ng dibdib. "P-paano siya nawala?"

Sa puntong iyon ay bahagyang natagalan sumagot si Gabriel. Mistulang may kung anong bumikig sa lalamunan nito. Ang kaninang kislap sa mga mata nito ay napalitan ng magkahalong paghihinagpis at pagsisisi.

"It was our fifth anniversary. I just showed her the house that I built for her. Kakapropose ko lang din sa kaniya when she learned about this audition in Manila. She was so eager to go. Sa tingin niya, iyon na ang break na hinihintay niya para sa kaniyang dancing career. I was hesistant. Hindi maganda ang kutob ko kaya sinubukan ko siyang pigilan. Pero naging mapilit siya. I've never seen her so desperate about something. Alam kong napakahalaga sa kaniya ng kaniyang pangarap, kaya sa huli, napilitan akong payagan siya. Pero hindi na siya nakabalik mula noon. Paulit-ulit akong nakipag-ugnayan sa mga kaibigan niya na kasama niya sanang luluwas, pero lahat sila, iisa ang naging sagot sa akin. Hindi nakarating si Eleanor sa usapan nila." kumuyom ang mga palad nito. "Kung alam ko lang, sana mas naging matigas ako nang magpaalam niya sa akin na luluwas siya para mag-audition. O, di naman kaya, sana mas nagpumilit akong samahan siya kahit na sinabi niya sa aking hindi puwede. Sana sinundan ko siya kahit na magalit pa siya sa akin," gumaralgal ang tinig nito. "Sana nailigtas ko siya..."

Napalunok si Celene. Nasasaktan siya na makitang nasasaktan ito. She extend her hands to him. Inabot niya ang isang kamay nito at hinawakan iyon nang mahigpit.

"Hindi pa huli ang lahat, Gabriel,"sinserong sabi niya rito habang direktang nakatitig sa mga mata nito. "Kapag nakita natin kung nasaan ang mga labiniya, kahit papaano, mabibigyan mo na ng katahimikan si Eleanor." pinisil niyaang kamay nito. "Magtiwala ka lang, mahahanap din natin siya."

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon