NAGBUGA ng hangin si Gabriel. Hindi niya alam kung anong pumasok sa kaniya at pumayag siya sa hiling ng bagong kapitbahay na sumabay kumain rito ng umagahan. It doesn't make any sense at alam niya iyon. Gayunpaman, sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang may kung anong puwersa ang nag-uudyok sa kaniya. Na para bang kung palalampasin niya ang pagkakataong hinihingi nito ay pagsisisihan niya. Minsan pa ay humugot siya ng isang malalim na hininga bago niya pinindot ang door bell.
"Mr. Posadas," ang bati ng naturang kapit-bahay sa kaniya na dali-dali siyang pinagbuksan ng gate. "Good morning."
"Good morning," Hindi naiwasan ni Gabriel na pagmasdan ito. Napansin niya na nanlalalim ang ilalim ng mata nito na para bang hindi nakagawa nang matinong tulog noong nakaraang gabi. Sa kabila niyon ay hindi pa rin maitatanggi ang taglay nitong kagandahan na una lamang niyang napansin nang mapagmasdan niya ito nang malapitan matapos itong himatayin. Gabriel was stunned. Hindi niya alam kung bakit bigla niya nalang naisip ang tungkol sa bagay na iyon. Dali-dali na niyang iwinaksi ang naturang ideya sa isip. "Um, I need to go to work afterwards so if it's fine with you, can we do this as quickly as possible?"
"Yes, right," ang agad naman na tugon nito na tila nanghihingi lamang din ng basbas mula sa kaniya. Niluwagan nito ang pagkakabukas ng gate. "Tuloy ka."
Kagaya ng sinabi nito ay tumuloy na siya sa loob. Sinundan niya ito sa may garden kung saan may nakahain ng fench toast at kape. They sat in front of each other.
"Bago ang lahat, gusto ko munang magpakilala, Mr. Posadas. I'm Celene Medrano. Pamangkin ako ni Mrs. Francisca, the original owner of this house." anito saka nagbuntong-hininga. "Um, to be honest, I don't know kung paano ko sisimulan ang lahat."
"Well, why don't you start with what happened yesterday?" suhestiyon niya na sabik na ring malaman kung ano ba talaga ang nangyari rito kahapon. "We saw each other then suddenly you passed out. Paggising mo, takot na takot ka at nagmamadaling umalis sa bahay ko. Why? Ano ba talagang nangyari?"
Sa ikalawang pagkakataon ay napabuga ng hangin si Celene. Saglit itong nagpaalam sa kaniya. Pagbalik nito ay may bitbit na itong sketch pad.
"Mr. Posadas, kilala mo ba ang babaeng ito?" inabot ni Celene kay Gabriel ang naturang sketch pad. Wari'y nawalan naman ng kulay sa mukha ang naturang binata nang makita ang naka-drawing doon. Nagtatanong ang mga matang napasulyap ito sa kaniya. "I don't who she is, but yesterday, I saw her."
"Y-you saw her? This woman? Are you sure?" sunod-sunod na tanong nito. Sa isang iglap ay napuno ng samut-saring emosyon ang mga mata nito. "When? Where? How?" Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. "Please tell me. Please. Matagal ko na siyang hinahanap."
Nalambungan ng lungkot ang mga mata ni Celene. Inakala niyang magiging madali ang lahat. Subalit sa nakikita niya ngayong pag-asa sa mga mata ng binata ay nahihirapan siyang sabihin rito kung ano nga ba talaga ang kaniyang nakita.
"Okay, I know this is all a bit absurd, but this woman? She is my fiancé. Lumuwas siya ng Manila three years ago pero hindi na siya nakabalik. Hanggang ngayon wala akong balita sa kaniya." Napuno ng pagsusumamo ang mga mata nito. "Kaya please lang, kung mayro'n kang information tungkol sa kaniya, please do tell me. Please,"
"Mr. Posadas," binawi niya ang kamay mula rito. "I don't know where she is but... I saw her yesterday," napalunok siya. "I saw her standing...beside you."
"W-what...?" Naguguluhan na tanong nito. "A-anong sinasabi mo? What do you mean you saw her beside me? How is that even possible?"
"Mr. Posadas, I know it may sound insane but, I have third-eye." pag-amin niya sa binata. "I can see the ghosts of dead people."
BINABASA MO ANG
LOST SOULS [COMPLETED]
ParanormalPara kay Gabriel, iisa lamang ang multong hindi niya magawang takasan. Ang multo ng kaniyang nakaraan na nag-ugat sa biglaan na lamang pagkawala ng pinakamamahal na kasintahang si Eleanor. Umasa siya hanggang sa huli na muli niya itong makakapiling...