"NOT so fast," nakangising wika ni Fred kay Gabriel habang hawak nang mahigpit si Celene. May nakatapat na baril sa may sintido nito. "Baka gusto mong matulad rin sa sinapit ni Eleanor ang babaeng ito?"
"Hayop ka, Fred!" nanginginig sa galit na sigaw niya rito. "Itinuring kitang kaibigan! Paano mo nagawa ang bagay na iyon kay Eleanor, hayop ka!"
"Paano ko nagawa? Hayop naman, p're! Yung gano'n ba naman kagandang babae hindi mo iisipang gawan nang masama?" nakangising sabi nito pero agad ring sumeryoso ang mukha. "Pero ang totoo, hindi ko naman sinasadyang mapatay siya. Nataranta lang ako nang magsisigaw siya sa labas kaya nahampas ko siya sa ulo ng maso. Natakot ako kaya, tinali ko siya saka ko siya isinako, at ibinaon sa lupa."
"Wala kang kaluluwang, hayop ka!" gustong-gusto na niya itong sugurin at pag-uundayan ng suntok subalit nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Celene. "Pagbabayaran mo yung kahayupang ginawa mo!"
"Huh! Ako? Pagbabayarin mo?" ngumisi ito nang nakakaloko sa kaniya. "Eh, ni hindi mo nga nagawang matukoy sa loob ng tatlong taon na, all these time, yung lalaking kasama mo sa iisang opisina ang siyang pumatay sa kasintahan mo."
Kumuyom nang mahigpit ang mga palad ni Gabriel. Labis siyang nagtiwala rito na hindi niya agad nagawang makita ang totoong kulay nito. Sa galit ay dinampot niya ang isang tubo at iniamba rito.
"Oopps, are you sure you want to do that?" wika nito na idiniin ang pagkakalapat ng baril sa may sintido ni Celene. "Alam mo, Gabriel, tanggapin mo nalang kasi sa sarili mo na ako uli ang panalo ngayon. Papatayin ko ang babaeng ito at pagkatapos ay isusunod kita. There. Problem solved. Wala nang kahit sino mang makakahalungkat pa ng tungkol sa krimeng ginawa ko kay Eleanor."
Napalunok siya at nanghihinang ibinaba ang tubong nakaamba rito. Kailangan niyang mag-isip ng ibang paraan. Hindi bale nang siya ang mapahamak huwag lamang si Celene.
"There, good boy," nakangising sabi nito sa kaniya. "Now, panoorin mo ako habang binubutas ko ang bungo ng babaeng ito katulad ni Eleanor!"
Napaingit si Celene. Ang akala niya ay katapusan na niya subalit bago pa man tuluyang pumutok ang baril na nakatutok sa kanyang sintido ay tinabig ni Gabriel ang lalaki. Sa lakas ng pagkakatabig nito ay nabitiwan siya nito.
"Celene, takbo!" sigaw sa kaniya ni Gabriel habang nakikipambuno kay Fred. "Tumawag ka ng tulong, dali!"
Nag-aalinlangan man na iwanan ito ay wala nang nagawa ni Celene. Nagtatakbo siya palabas ng warehouse para sana tumawag ng tulong subalit agad rin siyang natigilan matapos umalingawngaw ang putok ng baril. Nakaramdam si Celene nang malagkit na likido sa kaniyang tiyan. Napalunok siya nang makitang umaagos na ang dugo mula doon. Sinubukan niyang magpatuloy sa pagtakbo ngunit tuluyan na siyang nanghina at bumagsak.
"Celene!!!" nagimbal na sigaw ni Gabriel sa dalaga matapos makita ang nangyari rito. "Celene, mahal ko!"
"Paano ba 'yan, Fred?" nakangising wika ni Fred sa kaniya. "One down, one more to go!" Itinutok nito sa kaniya ang hawak na baril.
Nagtagis ang kaniyang mga bagang. Tiningnan niya ito nang masama. Wala na siyang pakialam kung anong mangyari sa kaniya—sinugod niya ito. Sa gulat naman ay hindi kaagad nito nagawang maiputok sa kaniya ang hawak na baril. Nagpambuno sila at nag-agawan sa naturang baril. Gabriel was driven by so much anger nang dahil sa pagkabaril ni Celene kaya naman nagawa niyang madaig si Fred. Pinagsusuntok niya ito sa mukha, tagiliran, at sa iba pang bahagi ng katawan. Di kalaunan nang magawa niyang maagaw ang baril mula rito ay itinutok niya iyon sa sugatan ng si Fred.
"H-huwag, Gabriel, h-huwag," nagsusumamong sabi nito sa kaniya na itinaas pa ang isang kamay. "N-nagmamakaawa ako sa'yo, huwag mo akong patayin."
Napapalunok na pinagmasdan ito ni Gabriel. He was on the verge of his anger na wala nang dating sa kaniya ang anumang pagmamakaawang gawin nito. Ang gusto na lamang niyang gawin nang mga sandaling iyon ay patayin ito nang sa gayon ay magawa niyang maiganti ang dalawang babae sa buhay niya na inagrabyado nito—itinapat niya ang baril sa may ulo nito. But for some reason, before he could even pull the trigger, biglang bumalik sa kaniya ang mga sinabi sa kaniya ni Celene noon. Hindi maitatama ng isa pang kasalanan ang isang kasalanan na. Huwag mong ilagay sa kamay mo ang hustisya, Gab, please, paulit-ulit na umalingawngaw sa kaniyang tenga ang tinig ng dalaga. Doon na siya tuluyang natauhan. Sa halip na sa ulo ay ang mga binti nito ang kaniyang binaril.
"Hindi ko hahayaang maging isang katulad mo akong mamatay-tao," sabi niya rito na hindi naman makagulapay sa tinamong mga tama sa binti. "Batas na ang siyang bahalang magparusa sa'yo."
Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya ito. Tumakbo siya sa kinaroroonan ni Celene. Dali-dali niya itong sinaklolohan!
BINABASA MO ANG
LOST SOULS [COMPLETED]
ParanormalPara kay Gabriel, iisa lamang ang multong hindi niya magawang takasan. Ang multo ng kaniyang nakaraan na nag-ugat sa biglaan na lamang pagkawala ng pinakamamahal na kasintahang si Eleanor. Umasa siya hanggang sa huli na muli niya itong makakapiling...