NAPADILAT si Celene nang matapos ang pag-ukopa ng sunod-sunod na imahe sa kaniyang gunita. She was catching her breath na para bang nakipagpatintero siya sa mga kabayo. Malabo pa rin ang kapaligiran kaya sinubukan niyang ikurap-kurap ang kaniyang mga mata. Nang luminaw iyon ay natagpuan niya ang sariling nakahawak pa rin sa puntod ni Eleanor. Inalis niya ang kamay mula doon saka nanlalaki ang mata na tinitigan iyon.
It was Fred, saad niya sa kaniyang isip. Malinaw na malinaw sa mga imaheng nakita niya na si Fred ang siyang nagtangkang gumahasa at nakapatay kay Eleanor gamit ang isang maso. Tama ang kaniyang hindi magandang kutob sa lalaki mula simula palang. Naalala niya bigla si Gabriel. Ngayong nahanap na ang mga labi ni Eleanor at lumabas na rin ang autopsy report ay halos isang hakbang nalang ang layo para malantad na ito talaga ang may sala sa lahat. Siguradong gagawa at gagawa ito ng paraan para patuloy na mapagtakpan ang ginawang krimen. Kailangan niyang balaan si Gabriel. Kailangan nitong malaman ang kaniyang mga nakita. Pati ang buhay nito ay nanganganib lalo pa't malapit ito kay Fred.
Kahit bahagyang nanghihina pa ay pinilit nang tumayo ni Celene mula sa pagkakalagak sa harapan ng puntod ni Eleanor. Kailangan niyang mapuntahan si Gabriel sa lalong madaling panahon! Subalit gayon na lamang ang kaniyang panghihilakbot nang pagpihit niya ay tumambad sa kaniya si Fred. Gulo-gulo ang buhok nito at nangingitim ang ilalim ng mga mata na para bang hindi natulog. Masama ang tingin nito sa kaniya.
"F-Fred," ang napapalunok na naibulalas niya saka napaatras. "A-anong ginagawa mo rito, Fred?"
"Ikaw," sabi nito sa kaniya na hindi pinansin ang kaniyang tanong. "Ikaw ang may kasalanan kung bakit nahanap nila si Eleanor at kung bakit nanganganib ngayon na masira ang lahat ng pinaghirapan ko."
Naglakad ito palapit sa kaniya. Patuloy siyang napaatras. Hindi niya alam kung pa'no nito nalaman ang lahat.
"Hayop ka! Isa kang mamamatay-tao! Pinatay mo si Eleanor!" aniyang hindi na napigilan ang kaniyang sarili. "Kailangan mong pagbayaran ang krimeng ginawa mo, Fred!"
"Oo, pagbabayaran ko," saad nito bago pagkuwan ay sumilay ang isang nakapangingilabot na ngisi sa mga labi. "Pero mauuna muna kayong magbayad ni Gabriel!"
Mayro'n itong kung anong inispray sa kaniyang mukha. Napa-ubo siya—nanghina—at ilang sandali pa ay nakaramdam ng pagkahilo. Ilang sandali pa at tuluyan na siyang bumagsak at dumilim ang buong paligid.
BINABASA MO ANG
LOST SOULS [COMPLETED]
ParanormalPara kay Gabriel, iisa lamang ang multong hindi niya magawang takasan. Ang multo ng kaniyang nakaraan na nag-ugat sa biglaan na lamang pagkawala ng pinakamamahal na kasintahang si Eleanor. Umasa siya hanggang sa huli na muli niya itong makakapiling...