PINATAY ni Kit ang ignition ng kaniyang sasakyan. Mula sa bintana ay tinanaw niya ang isang coffee house. Ang coffee house na naging piping saksi sa mga nakaw na sandali niya kasama si Luna. Makalipas ang ilang sandaling pag-aalinlangan ay nakumbinsi niya rin ang kaniyang sarili na bumaba ng kaniyang sasakyan. Dahan-dahan siyang naglakad sa kalsada na nang mga sandaling iyon ay puno ng nakabibinging katahimikan.
It was the busiest part of the city, but that midnight, it was more like a ghost town. He didn't mind—matagal nang isang ghost town ang tingin niya doon. Magmula nang mawala si Luna, hindi na siya nasisilaw sa mga ilaw. Hindi na siya natitinag sa sari-saring ingay. Wala nang kulay sa kaniyang paningin ang mga bagay-bagay doon. Magmula nang mawala ito, pakiramdam niya, kasama na rin nitong tinangay ang kinang at sigla ng lugar.
He walked towards the pavement and gently touch the surface. It was cold just like the night. But nothing is colder than his heart. Ang puso niyang limang taon nang nangungulila kay Luna. Naupo siya doon, sa eksaktong lugar kung saan din ito madalas maupo, at napapikit. It was almost like yesterday. It was as if he could still feel her and smell her.
Matagal siyang nanatili sa gayong posisyon. Matagal siyang nakatingin lamang sa malamlam na ilaw ng mga poste. Matagal siyang nakikiramdam sa mga kaluskos na dulot ng malakas na buga ng hangin. The longing in his heart never felt this intense. Kinuha niya mula sa bulsa ang piraso ng diyaryo kung saan makikita ang halos burado ng larawan ni Luna. Pinagmasdan niya iyon nang buong pangungulila at pagmamahal.
Magmula nang makita niya iyon ay hindi na siya dinapuan pa ng antok. Ang pagkauhaw niyang makapiling ito ay lalong tumindi na parang pagkauhaw sa tubig ng mga halaman sa gitna ng disyerto. Alam niyang hindi siya papatulugin ng pagkauhaw na iyon at walang ibang papawi doon sa mga sandaling iyon bagkus ang pagpunta sa lugar na iyon. Ang paulit-ulit na pagpunta sa lugar na iyon. Sa lugar na minsan nilang naging paraiso.
There's not a single moment that he did not visit the place since Luna left. Palagi siyang humahanap ng oras para magpunta doon. Walang sawang naghihintay at umaasa na darating ang araw na muli niyang masisilayan sa lugar na iyon ang mga ngiti ni Luna.
"Nasaan ka na ba talaga, Luna?" aniya habang matamang nakatitig sa larawan ng dalaga sa diyaryo. "Can you go back already, please?"
Rough winds suddenly blew against him, making his heart even colder than before. And as he wrapped his arms around him, a much profound determination surge into his vein. Hahanapin niya si Luna—whatever or wherever it takes him.
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
RomanceKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...