Twenty-four

1.2K 15 0
                                    

NAPABUNTONG-HININGA si Luna pagpasok niya sa malawak na guest room ng mansion. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto niyon nang sa gayon ay makapasok si Kit. Pinakiusapan siya ng kaniyang ama na ihatid ang binata doon matapos nilang mananghalian. Labag man sa loob, wala na siyang nagawa kung hindi pumayag sa kagustuhan ng kaniyang ama na doon patuluyin ang binata hanggang sa pagdating ng araw ng kaniyang kasal.

"So, here's the guest room," sabi niya rito nang makapasok na sila sa loob. "Napalinis na ito kanina kay Manang Miling. All that you needed is here. Pero kung may kailangan pa, tumawag ka lang sa maid's quarter."

Hindi tumugon si Kit. Sa halip ay nanatili lamang itong nakatitig sa kaniya. Nakaramdam siya ng pagkailang—she doesn't like the way he made her feel inside.

"Um, k-kung wala ka ng kailangan, mauuna na ako sa baba," aniyang nag-iwas ng paningin. "Take a good rest."

Hindi na niya hinintay na makasagot pa ito. Dali-dali na niya itong tinalikuran. Pero agad rin siyang napahinto sa paghakbang nang bigla itong mag-salita.

"You look different," ang ipinahayag nito na siyang napakapagpatigil sa kaniya. "What made you change for the last two years?"

Napahugot nang malalim na hininga si Luna. Ito ang isa sa mga sandali na iniiwasan niyang mangyari kaya hangga't maari ay ayaw niyang mapagsolo sila ng binata. Alam niyang tatadtarin siya nito ng mga katanungang hindi pa siya handang sagutin sa ngayon. Kahit tila ayaw kumilos ng mga paa ay pumihit siya paharap dito.

"I did not change, Kit," tugon niya rito nang makahugot ng lakas ng loob. "I am always like this."

"You're not like this when we met, Luna, at alam nating pareho 'yon," kuyom ang mga palad na buwelta sa kaniya ni Kit. "Where's that gypsy-like woman I met two years ago? Where's your headpiece and your bizarre clothing? Did you just wear that for a show?"

Napalunok si Luna. Naninikip ang kaniyang dibdib sa muli nitong pagpapaalala sa kaniya ng nakaraan. Nakaraang hindi niya gustong kalimutan ngunit kailangan.

"S-she's gone, Kit," garalgal ang tinig na sagot niya rito matapos ang ilang sandaling pananahimik. "Wala na siya kaya sana ay kalimutan mo na siya. Kalimutan mo na ako. Dahil hindi na ako ang babaeng 'yon."

Sa pagkakataong iyon ay si Kit naman ang nawalan ng imik. Matagal na nakatitig lamang ito sa kaniya. Great pain could be seen deep within his eyes.

"Ayoko," mayamaya ay matigas nitong pahayag na halos yumanig sa buong pagkatao ni Luna. "Ayoko siyang kalimutan—mahal ko pa rin siya."

Humakbang ito palapit sa kaniya. Sinubukan niyang umatras ngunit maagap nitong nahawakan ang kaniyang mga braso. And before she knew it, he was kissing her intensely on the lips. Sinubukan niyang labanan ang kung ano mang namamagitan sa kanila ngunit hindi niya magawa. She suddenly became restless with his touch and his kisses. Ipinagkanulo siya ng sarili niyang puso!

"Damn you, Kit!" pinadapuan niya ito ng isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi matapos nitong pakawalan ang kaniyang mga labi. "What do you think you're doing?!"

Hindi nagsalita si Kit. Nanatili itong nakatitig sa kaniyang habang hinahaplos ang nasaktang pisngi. There is a proud look on his face as if he wins over something.

"You can deny all you want but that kiss proves everything," tanging sabi nito pagkatapos. "You still love me, Luna."

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon