Nineteen

1.3K 13 0
                                    

PINAGMASDAN ni Kit ang kapirasong papel na kaniyang hawak. Mayro'ng isang taong nakakakilala kay Luna ang nakakita sa kaniyang posters at nagbigay sa kaniya ng address na kinatatayuan ng rancho ng mga Villalobos. Nagtanong-tanong siya kung paano mararating doon, at dahil walang dalang sasakyan, nakiusap siya sa driver ng isang truck ng mga gulay na doon ang ruta na kung puwede ay isakay siya. "Salamat ho," sabi niya rito.

Nang magtangka siyang magbayad ay tinanggihan siya nito. Mula sa pinagbabaan sa kaniya ng naturang truck ay naglakad-lakad siya at muling nagtanong-tanong. Itinuro siya ng isang taga-roon sa isang malawak na lupain na may nakatayong mansion sa gitna. Akmang kakatok na sana siya sa mataas na gate nang matigilan siya.

Isang pamilyar na mukha ang kaniyang namataan na palabas. Si Luna na may kasamang isang hindi kilalang lalaki. Katulad ng gayak nito nang sadyain siya nito sa hotel ay isang simpleng bulaklaking bestida lamang ang suot nito. Nakapugong rin nang mataas ang mahaba at alon-alon nitong buhok. Dali-dali siyang nagkubli sa likod ng sasakyang pansaka sa di kalayuan. Doo'y malaya siyang nagmasid at nakinig.

"You don't know how relieved I am to see your face," masuyong wika ng naturang lalaki saka hinaplos ang isang pisngi ng dalaga. "I missed you."

Ngiti lamang ang nagawang itugon ni Luna sa lalaki. Matagal na nakatitig lamang ito sa kaniyang mukha. Habang si Kit naman mula sa kaniyang pinagkukublihan ay hindi naiwasang hindi kumuyom ang palad.

"By the way, I already talked to your papa," mayamaya ay muling saad ng lalaki. "Sinabi ko sa kaniyang ipinapaasikaso ko na ang lahat ng kailangan para sa ating kasal. I want us to get married on the same date despite the delay because of my business trip. So, don't you worry about anything, okay?"

"Okay," tumango si Luna. Pinilit uling ngumiti rito ngunit hindi niyon nagawang umabot sa kaniyang mga mata. "Thank you, Leonard."

Leonard stared lovingly at her. Sa sobrang okupado ng isip sa maraming bagay ay hindi niya tuloy napaghandaan ang sunod na ginawa nito. Hinalikan siya nito.

"I love you, Luna," masuyong saad nito as he cupped her face. "I can't wait for you to be my wife."

Kinabig siya nito at niyakap pagkatapos. Luna was stunned and so as Kit. Hindi nagawang kumilos ng binata mula sa kinaroroonan na para bang tinamaan ng kung anong matalim na bagay sa dibdib.

"Mauuna na ako," paalam nito nang pakawalan siya mula sa mahigpit na pagkakayakap. "You take care, okay?"

Luna, still stunned, just nod. Hinintay niyang makasakay ng sasakyan si Leonard at saka ihinatid ito ng tanaw. Nang mawala na sa kaniyang paningin ang sinasakyan nito ay napapabuntong-hiningang pumasok na siya sa loob ng mansion. Sa pagkakataong iyon naman lumabas mula sa pinagkukublihan si Kit. Kuyom ang mga palad nito habang inihahatid siya ng tanaw. A great pain could be seen in his eyes.

"Why, Luna?" naghihinanakit na tanong niya sa kaniyang sarili. "Bakit mo ito ginagawa sa akin?"

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon