"HIJO," pukaw kay Kit ng inang si Mrs. Vera. There was an obvious trace of tears on the corner of her eyes as she smiles at him. Niyakap siya nito. "Congratulations!"
Kit smiled and embraced his mom back. Hindi na niya matandaan kung kailan siya niyakap nito ng gano'n kahigpit. Hindi na niya rin niya matandaan kung kailan niya ito nakitang gano'n kasaya.
"Oh, good ness, I'm sorry. I know you hate it when I suddenly became overly dramatic. It's just that..." wika nito nang kumalas sa kaniyang pagkakayakap. "I'm so happy for you, sweetie."
"I know you are," sinserong tugon niya sa kaniyang ina. "Thanks, mom."
Ngumiti ito sa kaniya. Matagal itong nakatitig lamang sa kaniya. Parang ang dami-daming gustong sabihin ngunit hindi magawa. Pagkuwan ay pinagsalop nito ang mga palad sa magkabila niyang pisngi.
"Listen, sweetie, alam ko na, hindi kami naging mabuting mga magulang sa'yo ng papa mo. Pinangalagaan naming mabuti ang pangalan natin without even realizing na ikaw naman pala ang siyang napapabayaan namin. Later on, we grew apart from each other, and became involved with other people." bumuntong-hininga ito. "It must be so hard for you. And I'm sorry. I'm so, so sorry. I just want you to know that we finally learned our lesson."
Hindi nagawang magsalita ni Kit. He was holding his breath. Ano ang ibig-sabihin ng mga sinasabing ito sa kaniya ng kaniyang mama?
"Seeing you working out for your future, we realized, we should do the same thing. Maybe me and your father did not really grew apart. Maybe we just needed time. And during that trip to Bali, we realized, it's true. We only needed time." ngumiti nang malawak sa kaniya ang kaniyang mama. "We decided to give our marriage a second chance."
Kit couldn't even talk. Sa sobrang saya ay nayakap niya nalang ang kanyang mama. Iyon naman ang eksaktong eksenang inabutan ng kaniyang ama.
"Hey, hey, what's this?" nakatawang biro nito na inilapag ang bote ng champagne sa isang mesa. "Am I really that late?"
Kumalas siya sa pagkakayakap sa kaniyang ina. Nilingon niya ang kaniyang ama. Ngumiti siya rito at yumakap.
"Congratulations, hijo!" sinserong wika nito habang tinatapik-tapik ang kaniyang likuran. "I am so proud of you."
"Thanks, dad."
Iyon lamang ang tanging nagawa niyang masabi. Masayang-masaya siya. Parang wala na siyang mahihiling pa nang mga sandaling iyon. All things in his life seem to worked out and that's because of Luna. Ito ang siyang tumulong sa kaniya at naging pangunahing inspirasyon niya upang magawa niyang ayusin ang noo'y patapon na niyang buhay.
"So, this Luna," pukaw ng kaniyang ama during his graduation party. "Are we going to meet her tonight?"
"Yes," tugon niya rito sa kabila nang namumuong tensyon sa kaniyang didbib. "Surely, you're going to meet her tonight."
Nakangiting tumango-tango ang kaniyang ama at umalis na. Siya naman ay naiwan sa kinaroroonan habang nakatanaw sa may gate. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit hindi nakapunta si Luna sa mismong graduation ceremony niya pero sigurado siyang hindi nito papalampasin ang graduation party niya. She will come. She have to.
"Excuse me, seniorito,"
Nilingon ni Kit ang kanilang maid na si Mindy. May hawak itong isang envelope. Pinagkunutan niya ito ng noo.
"Seniorito, mayro'n pong nag-abot nito sa akin sa may gate kanina. Hindi po nagpakilala kung sino. Pero ang bilin niya po sa akin ay ibigay ko raw po ito sa inyo."
Hindi alam ni Kit kung bakit tila lalong lumawig ang kabang nararamdaman sa sinabi nito. Kinuha niya mula rito ang naturang envelope. "Salamat, Mindy."
Tumango lamang ang katulong. Nang nakaalis na ito ay nagtungo siya sa isang sulok. Binuksan niya ang naturang envelope at sinimulang basahin ang nilalaman niyon.
Kit,
Unang-una sa lahat, gusto kong manghingi ng tawad dahil hindi ko nagawang pumunta sa graduation mo. Know that despite this, I love you and I'm always proud of you.
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa'yo ang lahat. It's your graduation day and it's supposed to be a happy celebration. Ayokong sirain ang araw na ito kaya mas pinili ko na lamang na idaan ang lahat sa isang sulat.
One day, Kit, when I came back, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat-lahat. But right now, bear with me. May mga kailangan lamang akong ayusin sa buhay ko, and as much as you want to get involved in this, kailangan ko itong harapin nang mag-isa sa ngayon.
Alam kong mahirap ito para sa'yo at gayundin sa akin pero ito lamang ang maipapangako ko sa'yo. Babalik ako—babalikan kita—pangako 'yan. Please, please, wait for me.
I love you.
Luna.
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
Storie d'amoreKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...