NAALIMPUNGATAN si Kit nang bigla na lamang tumunog ang teleponong nakapatong sa may bedside table. It was his fifth day in Davao, at sa loob ng limang araw na iyon, hindi siya tumigil sa pagpapamudmod ng posters ni Luna. Sa katunayan, nang araw na iyon, dapat ay maaga uli siyang aalis ng hotel na tinutuluyan para magpagawa ng karagdagang posters pero hindi siya kaagad nagising. Hindi na niya namalayan sa sobrang pagod niya na halos inabot na pala siya ng paglubog ng araw.
"Hello?" bungad niya sa staff ng hotel na agad namang sinabi ang pakay. "Sige, pakisabi nalang sa kaniya na bababa na ako."
Kit went to the bathroom and take a quick shower. Ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Inilagay niya sa posters na kung sino man ang may impormasyon tungkol kay Luna ay puntahan lamang siya sa hotel na tinutuluyan. This could be it, sabi niya sa sarili. Posibleng ang taong naghihintay sa baba ay may hatid ng impormasyon tungkol kay Luna. Agad na siyang bumaba matapos makapagbihis. Isang babae ang bumungad sa kaniya pagdating doon. Nakatalikod ito at may nakabalot na scarf sa ulo kaya hindi niya agad nagawang kilalanin. Sa kabila niyon, mayro'ng kung anong pamilyar na damdaming hatid sa kaniya ang presensiya nito.
"Excuse me?" pukaw niya rito matapos ang ilang sandaling pagmamasid rito. "The staff of the hotel said that you're looking for me?"
The unidentified woman stand frozen when she heard his voice. Ilang beses itong napahugot nang malalalim na hininga bago tila nakumbinsi ang sarili na lingunin siya. At dahan-dahan nga, unti-unti itong pumihit paharap sa kaniya. Sa pagkakataong iyon, si Kit naman ang biglang nanigas sa kaniyang kinatatayuan na mistulang binuhusan nang malamig na tubig sa kaniyang mukha.
"L-Luna?" halos hindi iyon lumabas sa kaniyang bibig. He stood there, motionless, looking straight to the beautiful woman whom he never cease loving for the last two years. "L-Luna, ikaw nga ba 'yan?"
The woman didn't answer. Sa halip ay tinanggal nito ang nakabalot na scarf sa ulo, dahilan para lumantad ang mahaba at alon-alon nitong buhok. Kahit na kakaiba sa nakasanayan niyang gayak nito ang porma ng dalaga ngayon ay hindi na nagawa pang magtanong ni Kit. Sabik na nilapitan at niyakap niya ito.
"My goodness, Luna! Hindi mo alam kung gaano ko katagal hinintay dumating ang pagkakataong ito! I missed you so, so, much!" lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa dalaga bago pagkuwan ay kumalas at ipagsalop ang dalawang palad sa mukha nito. "Ano bang nangyari? Bakit hindi ka na nakabalik? Paano ka napadpad dito sa Davao?"
Luna couldn't answer. Namumula ang gilid ng mga mata nito nang dahil sa pinigilang luha. She wanted to push Kit away pero hindi niya magawa. Ang yakap na pinagsaluhan nila ay muling nagbigay-daan para sa emosyong matagal na niyang pilit na tinatakasan.
"Oh, don't bother! Hindi na mahalaga kung anong mga nangyari. Ang mahalaga sa'kin ay naririto ka na uli!" Kit said, still elated by great happiness. "Oh, god, I really can't contain myself how much I missed you!"
He was about to kiss her but Luna resist. Sa gulat ni Kit, itinulak siya nito palayo. Sa ginawa nito, pakiramdam niya ay may punyal na bigla na lamang tumarak sa kaniyang dibdib.
"L-luna?" halos hindi siya makapagsalita. Namamanhid ang kaniyang katawan. Nakatitig lamang siya dito. "B-Bakit? M-may nagawa ba ako? Galit ka ba sa akin?"
Sa pagkakataong iyon ay hindi na nagawa pang pigilan ni Luna ang kaniyang mga luha. Nag-uunahan iyong pumatak mula sa kaniyang mga mata. And as she cried her heart out, panay ang kaniyang pag-iling.
"K-kit, I'm sorry," buong-pusong sabi niya sa binata habang patuloy sa pag-iyak. "Hindi dapat ako nag-iwan ng pangako sa'yo. Hindi ko na dapat pinaabot ng dalawang taon. Hindi ko na sana pinaabot pa sa ganito."
Naguguluhang napatitig dito si Kit. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito. Kahit na itinutulak siya nito palayo ay nagpumilit siyang makalapit muli rito. Ipinatong niya ang isang kamay sa may balikat nito habang ang isang kamay naman ay inilagay niya sa isang pisngi nito.
"Luna, ano bang sinasabi mo? Bakit ka ba nagkakaganiyan? Hindi kita maintindihan, eh." aniya na pilit kinakalma ito. "Come on now, please, stop crying. Nahihirapan ako, eh. Pinapahirapan mo ang loob ko sa ginagawa mo."
"No, no, don't," wika nito na muling tinabig ang kaniyang kamay. "Stop it, Kit. Tama na. Hindi tama itong nangyayari sa atin."
"What?" ani Kit na hindi na naiwasang magtaas kaunti ng tinig. "Anong hindi tama? B-bakit? Ano ba talagang nangyayari, Luna?"
Matagal bago nagawang sumagot ni Luna. Lunod na lunod ito sa kaniyang sariling luha. Makailang beses ito humugot nang malalalim na hininga bago nagawa uling mag-angat ng paningin sa kaniya.
"Hindi ka na dapat nagpunta pa rito, Kit," humihikbing saad niya. "Hindi mo na dapat pa ako hinanap pa."
"Bakit?" ani Kit na may bahid ng sama ng loob ang tinig. "Why would you restrain me to do that? Alam mong mahal kita, Luna. I love you and I never stop loving you for the last two years!"
Muling bumukal ang luha sa mga mata ni Luna. Panay ang iling nito ngunit taliwas doon ang mababanaag sa magandang mukha nito. Para bang hirap na hirap ang kalooban nito na ipagtabuyan si Kit.
"Kalimutan mo na ang lahat ng mga pinagsamahan natin, Kit. Kalimutan mo na ang iniwan ko sa'yong pangako. Kalimutan mo na ako." madiin ang pagkakabanggit nito sa huling salitang binitiwan. "Ikakasal na ako."
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
RomanceKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...