HINATI ni Luna ang huling rolyo ng suman bago isinubo kay Kit ang kalahati niyon. Kit muched it while laughing. Si Luna rin ay hindi napigilang matawa sa kaniya.
"Takaw," pang-aasar nito sa kaniya.
Hindi siya tumugon at sa halip ay pinagmasdan lamang ito habang patuloy sa pagtawa na para bang walang pakialam kahit pa malakas ang boses nito.
"How come ngayon lang kita nakita dito?" mayamaya ay hindi niya napigilang itanong sa dalaga. "Matagal ka na ba rito?"
Napahinto sa pagtawa si Luna. Napatingin ito sa kaniya. Sari-saring emosyon hindi niya mapangalan ang bigla na lamang nagsalimbayan sa mga mata nito.
"Um," tumikhim ito. "You know what? Hindi ko basta-basta idinidisclose ang mga impormasyon tungkol sa sarili ko sa isang taong hindi ko pa gaanong nakikilala. Kaya kung gusto mo talagang malaman yung mga bagay-bagay tungkol sa akin, I suggest, ikaw muna ang maunang magpakilala."
Napangiti si Kit. It seems as if she's challenging him again. At hindi niya 'yon uurungan lalo na kung para makilala ito.
"Okay," aniya na tumikhim din. "I am Kit Vera. I am a son of a busineman and a former beauty queen. And yeah, well, I am messed-up."
Kumunot ang noo ni Luna. Napatitig ito sa kaniya nang mariin. Kahit hindi nagtatanong ay kita sa mga mata nito na naghihintay ito ng iba pang detalye kaugnay ng huling tinuran niya. Napabuntong-hininga siya.
"You know what? I don't really talk about my personal life. But I supposed, when you first met me, alam mo na kaagad ang tungkol sa bagay na iyon." napapangising sabi niya. "Sino bang matinong lalaki ang tatambay sa coffee house na iyon nang gano'ng oras? I'm messed-up, you know? I cut my classes and everything."
Isang nakabibinging katahimikan ang sunod na namagitan sa kanilang dalawa. Ilang sandaling nakatitig lamang sa kaniya si Luna. Subalit ikinagulat niya nang sumunod na sandali ay bigla na lamang itong lumapit sa kaniyang tabi at hinawakan ang isang kamay niya.
"W-what are you doing?" hindi magkandatutong tanong niya rito. He's both tense and intrigue by this woman. "I told you I a mess, didn't I?"
"Yes, I heard," sabi nito sa kaniya na nanatiling hawak ang kaniyang kamay. "But what I want to know is, why? Anong nangyari? And while were at this, gusto kong sabihin na, I will listen and that you can trust me enough."
Never in his life, he saw such genuine concern from anyone, even from his dad. Humugot siya nang isang malalim na hininga saka siya dumampot ng isang bato. Ihinagis niya iyon sa malayong dako na siya ring tinatahak ng kaniyang paningin nang mga sandaling iyon.
"My parents doesn't love each other anymore but they pretend that they still do because they want to create this mental image in people's mind that our family is perfect. And it sucks, you know? All they care about is themselves. And by that, I mean they are selfish enough to get themselves involved with other people." kumuyom nang mariin ang kaniyang palad. "Ang akala nila porke't nagagawa nilang ihain sa akin yung mga material na pangangailangan ko, magiging okay na ang lahat. Na okay lang sa akin yung mga ginagawa nila. They're trying to scold me about being such a mess, and so one day, it just happened. I got fed up and start being like this."
Dadampot sana uli siya ng isa pang bato ngunit nagulat siya nang pigilan ni Luna ang kaniyang kamay. Napatingin siya dito at nakita niyang titig na titig ito sa kaniya. Nakakaunawang ngumiti ito sa kaniya.
"Una sa lahat, I want to thank you for entrusting me with these things. Gusto kong malaman mo na, I admire you. I think you are brave enough to deal with this fight alone for so long." Ngumiti ito sa kaniya. "Puwede ba tayong magkaroon ng kasunduan?"
Nangunot ang kaniyang noo. "Kasunduan?"
"Uh-huh," nakangiti pa ring tumango-tango ito. "From now on, you'll get your life fixed, and I will help you do that, okay?"
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
RomanceKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...