Thirty-seven

1.2K 13 0
                                    

NIYUPI ni Christian ang lata ng beer na kakaubos lang nito ang laman saka ito humilata sa sahig na akala mo ay ginulpi ng isang gang. Napapailing-iling naman na pinagmasdan ito ni Kit. Sa dinami-rami ng beer na binili niya ay ito lamang ang halos nakaubos.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo," sabi niya rito na hindi naiwasang mapangisi. "Pero sa ating dalawa, parang ikaw pa ang may pinagdadaanan, eh."

"Sorry na, bro," wala naman sa sarili na tugon nito saka dumighay nang malakas. "Na-miss ko lang yung bonding nating dalawa."

May sumilip na babae sa may kusina ng kaniyang flat. Si Missy. Ito ang kasintahan ni Christian.

"Hey, may lasagna pa rito sa ref," sabi nito saka inilabas ang isang container. "I'm going to reheat some."

Thumbs-up lamang ang nagawang itugon ni Chris sa nobya. Lalo namang napailing-iling si Kit. Ibinato niya rito ang latang niyupi nito.

"Namiss mo ang bonding natin?" sarkastikong buwelta niya rito pagkatapos. "Pero sinama mo naman ang girlfriend mo."

"Sorry na talaga, bro," anito na halos hindi na magawang makagulapay sa dami nang nainom. "Naisip ko kasi, baka ma-depress ako tungkol sa kuwento mo kay Luna. I want someone to cuddle when I'm depress. Niyaya ko nalang si Missy."

Binato niya uli ito ng isa pang lata na hindi uli nito nagawang iwasan. Kahit kailan talaga ay kupal itong kaibigan niya na ito. Pinapunta niya ito sa flat niya para maglabas ng sama ng loob ukol sa mga naganap sa pagitan nila ni Luna noong nagpunta siya sa Davao pero hindi iyon nangyari. Sa halip ay sinama nito ang girlfriend at inubos pa nito ang kaniyang beer.

"Hey, bro," pukaw nito sa kaniya nang makitang isinusuot niya ang kaniyang jacket at ibinubulsa ang susi ng kaniyang sasakyan. "Saan ka pupunta? Flat mo ito di ba? Come on, feel at home, bro!"

"God, you're so wasted!" natatawang sabi niya rito. "Lalabas lang ako sandali. Babalik din ako. So, please, fix yourself!"

Hihirit pa sana ito ngunit iniwanan na niya ito. Nagpunta siya sa coffee house kung saan unang nagtagpo ang mga landas nila ni Luna. Alam niyang dapat na niyang iwasan ang lugar na iyon dahil ipapaalala lamang niyon sa kaniya ang dalaga pero hindi niya mapigil ang sarili. Kung tuluyan na niyang kakalimutan ito, gusto niya munang maglaan ng kahit isang araw pa para sariwain ang mga alaala noong kasama niya pa ito. Noong malaya pa siyang mahalin ito.

Naupo siya sa dati niyang puwesto at umorder ng paborito niyang Macchiato. Tahimik na pinanood niya ang mga paroon at paritong tao kagaya ng dati. Alam niyang wala naman siyang hinihintay pero hindi niya pa rin naiwasang hindi umasa—hindi umasang masisilayan niya ang mukha ni Luna suot ang kakaiba nitong kasuotan. Napabuntong-hininga siya.

Sa kaniyang walang kawawaang paghihintay ay may namataan siyang isang lalaki. May hawak itong gitara. He looks like one of those starving musicians who play for a little money. Tumugtog ito ng ilang kanta at may iilang nagbigay ng limos dito. Hindi niya alam kung anong pumasok sa kaniya. Nilapitan niya ito.

"Hey, let's have a deal, brother," sabi niya rito. "Tumugtog ka at kakanta naman ako."

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon