"GO HOME, Kit!" pagtataboy niya sa binata nang mapag-iwanan silang dalawa ni Don Constancio sa may garden. "You cannot stay here!"
"Bakit, Luna? Bakit ayaw mong manatili ako rito sa mansion? Natatakot ka ba?" buwelta nito sa kaniya. "Natatakot ka ba na baka kapag nagtagal ako rito ay mapatunayan mo sa sarili mong ako pa rin ang siyang mahal mo at hindi ang Leonard na iyon?!"
"Oh, come on, Kit!" nagsusumamamong bulalas ni Luna. "Hindi mo naiintindihan, eh. You staying here will only complicate everything even more!"
"Kung gano'n, bakit hindi mo ipaintindi sa akin, Luna?" muling buwelta nito. "Ipaintindi mo sa akin kung bakit ka nag-iwan ng pangako sa akin na hindi mo naman pala tutuparin! Ipaintindi mo sa akin kung bakit sinabi mong mahal mo ako! Ipaintindi mo sa akin kung bakit pinaghintay mo ako ng dalawang taon para lamang matuklasan na ikakasal ka na pala sa iba!"
Hindi nagawang tumugon ni Luna. Parang biglang nagkaroon ng bikig sa kaniyang lalamunan. There was no doubt that Kit is hurting and that fact hurts her even more!
"Kit, please," pakiusap niya rito na hindi na nagawa pang ikubli ang totoong emosyon. Hinawakan niya ito sa isang braso. "Huwag mo naman sa aking gawin ito."
"I'm sorry, Luna. But if you're not willing to give me the explanation that I need then I won't do what you're asking me to do. Mananatili ako rito sa mansion at ako ang siyang tutuklas ng katotohanan. Sa ayaw at sa gusto mo." matigas na pahayag nito saka binawi ang braso nitong hawak niya. "Now, if you'll excuse me."
Walang lingong-likod na tinalikuran siya nito. Naiwan siya sa may garden—naguguluhan at naghihinagpis sa mga nangyayari. Paano niya ba ipapaliwanag kay Kit na hindi niya ginustong hindi tuparin ang kaniyang pangako? Paano niya ba ipapaliwanag rito na hindi niya kagustuhang makasal kay Leonard? Lalo na, paano niya ba ipapaliwanag rito na gaya nito, ito pa rin ang nilalaman ng kaniyang puso?
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
RomanceKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...