Twenty-eight

1.2K 16 0
                                    

NAALIMPUNGATAN si Kit sa kaniyang mababaw na pagkakatulog. Nang silipin niya ang oras na nakalatag sa may wallclock ay nakita niyang pasado alas-singko pa lamang ng madaling araw. Sa dami ng iniisip ay hindi na niya nakuha pang matulog pagkatapos noon kaya naisipan niyang bumangon na sa kaniyang kama. Gusto sana niyang maglakad-lakad sa may mansion habang wala pang gaanong gising sa mga tao doon ngunit nagulat siya nang maabutan si Don Constancio sa may hardin. Nakaupo ito roon nang mag-isa at nakatingin sa malayong dako.

"Don Constancio?" ang nag-aalinlangangang bungad niya paglapit niya rito. "Magandang umaga, ho."

"Oh, hijo, magandang umaga rin naman sa'yo," ganting-bati naman nito na bahagya lamang nagulat sa kaniyang biglang pagsulpot. "Ang aga mo yatang nagising."

Hindi niya alam kung paano tutugunin ang puna nitong iyon kaya nagkibit-balikat na lamang siya. Naupo siya sa tabi ng matandang Don pagkatapos. Hindi niya alam sa sarili pero mukha itong maputla sa kaniyang paningin nang mga sandaling iyon.

"I heard you already met Leonard?" mayamaya ay saad nito matapos ang ilang sandaling katahimikan. "What do you think of him?"

"Um," tumikhim siya. Iyon ang isa pa sa mga bagay na hindi niya rin alam kung paano tutugunin. "I-I think he is a fine man."

Tumango-tango si Don Constancio. Tanda ng pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Bagaman matapos ang ilang sandali ay bigla na lamang itong napabuntong-hininga nang malalim.

"He is a fine man, indeed. Alam kong mahal na mahal niya ang anak ko. My only concern is that..." muli itong napabuntong-hininga. "Sa pakiwari ko kasi, hindi sila pareho ng nararamdaman ni Luna. Malakas ang kutob kong may ibang minamahal ang anak ko. At hindi si Leonard iyon."

Natigilan si Kit. It's as if something hit him right across the head. May ideya na kaya ang Don ukol sa kaniyang pagkatao at sa naging relasyon nila ni Luna noon?

"Oh, Luna. My dear Luna. I have no idea when did she grow up so fast." gumuhit ang lungkot sa mukha nito. "Basta't nagising na lamang ako isang araw na may sarili na siyang buhay. May sariling mga plano para sa kaniyang sarili. She's not that little girl who believes in fairy tales anymore."

Hindi pa rin niya nagawang magsalita ng kahit na ano. Basta't nanatili lamang siyang nakaupo sa tabi ng Don. Pinakikinggan ang bawat salitang binibitiwan nito.

"Sa totoo lang, Kit, natatakot ako. Sobra akong natatakot. Natatakot ako sa maaring mangyari pagkatapos ng kaniyang kasal kay Leonard." sinserong pahayag nito saka sinalubong ang kaniyang paningin. "Mahal na mahal ko ang aking anak. Minsan na siyang nawala sa akin. Ayokong maulit uli iyon."

Napatitig rito si Kit. Ibig sana niyang magtanong rito kung ano ang ibig nitong sabihin subalit bago pa man niya tuluyang magawa ang nais ay bigla na lamang namaluktot si Don Constancio. Hawak nito nang mahigpit ang dibdib at mistulang hindi makahinga.

"For goodness' sake, Don Constancio!" natatarantang bulalas ni Kit habang pilit umaagapay rito. "Dadalhin ko ho kayo sa hospital!"

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon