Eleven

1.4K 22 0
                                    

NAGBUNTONG-HININGA si Kit paglabas na paglabas niya ng kanilang classroom. It was really tough listening to their bitchy professor ranting about numerical functions. Isang buwan na halos siya walang record ng cutting classes at lahat 'yon ay dahil kay Luna.

"Hi," ang nakangiting bati nito sa kaniya nang marating niya ang harap ng kanilang college building. "Kumusta mga klase mo?"

Parang lahat ng frustration niya sa pag-aaral ay biglang nalusaw nang masilayan niya ang matamis nitong ngiti. Sabik na lumapit siya sa kinaroroonan nito. And for one moment, he almost kiss her, kung hindi niya lang nagawang pigilan ang sarili.

"Hey," sa halip ay tanging nasabi niya rito. Nakita niyang may bitbit itong isang basket. "Suman?"

"Yep," sabi nito. "Ito ang reward mo dahil kahit alam kong mahirap para sa'yo, pumapasok ka sa mga klase mo."

Natawa ito sa tinuran at natawa rin siya. He stared at her, lovingly. Parang hindi pa rin siya makapaniwala na araw-araw siya nitong pinupuntahan sa university para lamang masiguradong hindi na siya makakapagcut ng kaniyang mga klase.

"Do you really want to do this?" hindi niya naiwasang itanong rito nang naglalakad na sila palabas ng university grounds. "Pupuntahan mo talaga ako dito sa university araw-araw para lang hindi ako makapagcut ng class?"

"Uh-huh," nakangiting tugon naman nito habang nakangiti. "At hindi lang 'yon, tutulungan din kitang magreview sa mga exams mo para siguradong mabawi mo yung quizzes na hindi mo na-take tuwing nagkacut kang classes."

She looked at him and smiled. He just stared at her, mesmerized. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kaniya, pero habang tumatagal, palalim nang palalim ang damdamin niya para sa misteryosang dalaga.

"O-oh?" wika nito na mistulang nailang sa mga titig na ipinupukol niya rito. "May dumi ba ako sa mukha ko?"

"W-wala naman pero..." napalunok siya ngunit nanatili pa ring nakatingin dito. "Pero puwede bang yakapin kita?"

"Huh?" gulat na naibulalas nito. "A-anong...?"

Hindi na nito nagawa pang tapusin ang sinasabi. Kinabig niya ito at niyakap nang mahigpit. He thought he would surprise her, but when she embraced him back, it feels like the best day of his life.

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon