Two

2.2K 27 0
                                    

KIT stared out the window of the mini-van. Pabalik na sila ng Manila mula sa isang linggong beach vacation. Christian told him they need that vacation to relax and forget. What he doesn't understand is that nothing could make him forget. No place could do that, either. Sa lahat ng bagay na nakikita niya, mga taong nakakasalamuha niya, lugar na pinupuntahan niya, lahat 'yon ay mayroong nagpapaalala kay Luna. It's especially hard this time because it's summer—the season when he met her.

Pinagmasdan ni Kit ang paroon at paritong tao na kanilang dinadaanan. They all looked like in a slow-mo silent movie while the van is speeding pass to them. And for one moment, he wonder, paano kung isa pala sa mga taong iyon si Luna? Paano kung siya pala yung babaeng nag-aabang ng taxi? Yung babaeng tumawid noong nagkulay pula yung traffic lights? Paano kung siya pala yung nakasakay sa bisikleta? Ang dami-daming posibilidad pero sobrang kakarampot ng oras.

Luna, nasaan ka ba ba talaga? ang naisaloob niya habang pinagmamasdan ang matandang magsalanlan ng mga bulaklak nito sa isang bahagi ng daan. Nagkulay pula ang traffic lights kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan ang matanda at ang mga bulaklak nito. Whenever he sees a flower, he always remember Luna. Her smile. Her smell. Her beauty. Kahit anong bulaklak pa 'yan, laging si Luna ang kaniyang naaalala.

Sinabihan niya ang driver na pagpalit ng traffic lights ay pansamantala nitong igilid ang van. He followed him. Nang maitabi na nito ang sasakyan ay bumaba siya. Lumapit siya sa puwesto ng matanda para bumili ng bulaklak.

"'Nay, kunin ko na po ag lahat nang 'yan," aniya sa nagagalak namang matanda. "Magkano ho?

Sinabi nito sa kaniya ang presyo saka ibinalot sa diyaryo ang naturang mga bulaklak. Nang matapos ay nakangiting iniabot nito ang mga iyon sa kaniya. Ngumiti rin siya rito ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata.

"Ang lungkot ng mga mata mo, hijo," sa gulat niya ay biglang bulalas ng matanda habang pinagmamasdan siya. "Hindi ako maaring magkamali, isang magandang dilag lamang ang maaring maging dahilan ng lungkot na nakikita ko diyan, tama ba ako?"

Hindi niya nagawang tumugon. He did not know how did she find out about that. Napapabuntong-hiningang tumango siya.

"Dalawang taon na po akong naghihintay sa pagbabalik niya." Malungkot na pahayag niya. "Hanggang ngayon ay bigo pa rin ako."

Kinuha ng matanda ang isang kamay niya. Pinisil iyon saka puno ng simpatyang pinagmasdan siya. Somehow, it gave him comfort.

"Huwag kang susuko, hijo," makahulugang sabi nito sa kaniya. "Nararamdaman ko, hindi magtatagal, muli siyang magbabalik sa'yong buhay."

Ngiti lamang ang tanging itinugon ni Kit sa naturang matanda bago ito tuluyang talikuran.

That night, in his house, hindi siya makatulog. Naiisip niya ang sinabi nito. Nararamdaman ko, hindi magtatagal, muli siyang magbabalik sa'yong buhay. He wonder if that is really going to happen. Lumabas siya ng sala kung saan niya ipinalibot ang mga bulaklak na binili rito. Pinagmasdan niya ang mga iyon, and as he do that, imahe ni Luna ang laman ng kaniyang diwa. Sana nga, kagaya ng sinabi niya, hindi magtagal ay magkita na uli tayo, Luna, saad niya sa sarili.

Babalik na sana uli siya sa kaniyang kuwarto subalit natigilan siya nang makita ang piraso ng diyaryo na pinagbalutan ng mga bulaklak. Nawaglit iyon ng mga maid sa ilalim ng isang salaming mesa. Pinulot iyon ni Kit. He was about to throw it on the thrash can when something caught his eye.

The image from the newspaper conveys a simple photo of a newly rehabilitate park. A few people could be seen walking in the background. A few he could not identify except for one particular woman. Half of her face was clouded by sunrays, but her smile. Siguro nga ay hindi ang nakasanayan niyang gayak nito ang suot nito sa naturang larawan pero hindi niya maaring maipagkamali ang ngiting iyon. The smile that haunts him for the last two years. Kumabog nang malakas ang kaniyang dibdib. Siguradong-sigurado siya. It was—Luna.

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon