Seven

1.6K 26 0
                                    

PINALIKOM uli ni Kit ang lahat ng mga diyaryo na siyang pinagbalutan ng mga bulaklak na kaniyang binili. Some of them are wet and almost torn but he didn't mind. Inisa-isa niya iyong tingnan, at mula doon, he discovered that it was printed and released one month ago. One month ago! naghihimutok na naisip niya. Araw-araw siyang nagbabasa ng diyaryo pero bakit hindi man lang niya napansin ang partikular na pahinang iyon? Bakit ngayon lang?

Pinagmasdan niya uli ang larawan sa pahina kung saan aksidenteng nakuhanan si Luna. There was a little caption at the bottom of the photo that says, photo by Roy Linsangan. Wala na siyang inaksayang panahon. Dali-dali niyang tinawagan ang publisher ng naturang diyaryo upang malaman ang contact information ng nasabing photographer ng naturang larawan.

"Yes, please. This is an emergency. There is someone I've been looking for a very long time now and he accidentally captured her in one of his photos." helpless na paliwanag niya sa nasa kabilang linya. "I really, really, need to talk to him, please."

Mukhang nakuha naman ng nasa kabilang ang urgency sa kaniyang tinig kaya agad na ring ibinigay ang contact information ng naturang lalaki. Agad na tinawagan iyon ni Kit. After two attempts, he finally answered.

"Puwede ba tayong magkita?" sabi niya kay Roy matapos makapagpakilala at masabi ang kaniyang pakay. "Yes, I'm going to text you the whereabouts."

Nagdesisyon sila na magkita sa isang restaurant na malapit pareho sa kanilang mga lugar na panggalingan. And Kit, being a bit famous because of his car business, was easily distinguished by Roy. Kumaway ito sa kaniya nang makita siyang pumasok ng naturang resto.

"Hey, sorry I'm late," nakipagkamay siya kay Roy bago naupo sa tapat nito. "I hope you don't mind."

"Okay lang po 'yon, sir." napapakamot naman sa batok na tugon ni Roy. Para bang hiyang-hiya ito sa kaniya. "Sobrang nagulat po ako nang tumawag kayo. Ang totoo po kasi niyan, mahilig din po ako sa sasakyan. Fan n'yo po ako, sir."

Ngumiti si Kit kay Roy. He's telling him that he's a fan pero siya itong hindi maiwasang hindi mainggit rito. Afterall, nagawa nitong makita at makasalamuha si Luna. The only thing he wants to do for the last two years.

"Thank you, Roy," he said, sincerely. "Anyway, like I told you on the phone, I was looking for this particular woman. I have no idea of her whereabouts until I accidentally saw this copy of this newspaper yesterday. You captured her in this photo of yours."

Inilabas niya ang kapirasong pahina ng naturang diyaryo kung saan nakaimprenta ang larawang kinuha nito. Itinuro niya mula doon si Luna.

"Do you have any memories of this woman?" tanong niya kay Roy. "Naaalala mo ba kung nakausap mo siya noong araw na iyon?"

Hindi kaagad nagawang tumugon ni Roy. Kinuha nito mula sa kaniya ang naturang pahina. Pinakatitigan iyon nang mabuti na tila ba binabalikan sa isip ang araw na kinuha niya iyon.

"This photo was taken in Davao, sir. Opening ng isang newly-rehabilitate park. Madaming tao ang dumayo para mamasyal, pero ang babaeng ito, siya ang unang nakakuha ng atensyon ko." he reminisced. "She has this really magnetizing aura. She was just walking, when suddenly, the sunrays clouded half of her body. Naisip ko, it would add up to the element of the photo so I decided to capture her on it."

Napalunok si Kit. He was like Roy the first time he met Luna. He was dying to know more about her from him more than ever.

"Um, d-do you ever interact with her?" hindi magkandatutong niyang tanong kay Roy. "I-I mean, nagka-usap ba kayo?"

Roy smiled apologetically at him. Bigla siyang nakaramdam ng panghihina. Ang ngiti nito ang siyang sumagot sa kaniyang tanong.

"I'm sorry, sir," hinging-paumanhin ni Roy matapos ang mahabang patlang sa pagitan nilang dalawa. "Hindi po ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya, eh."

"I-It's okay," sabi niya naman na pilit ngumiti ngunit hindi niyon nagawang umabot sa kaniyang mga mata. "Nagbabakasakali lang naman ako na baka nakausap mo siya. Baka may impormasyon siyang nabanggit sa'yo na maaaring makatulong para ma-locate ko siya. I've been looking for her for so long and I'm really dying to see her."

Nagbuntong-hininga si Kit. Si Roy naman ay napakunot-noo. Wari'y ay mayro'ng kung anong pilit na inaalala.

"S-sandali lang, sir, I'm not that sure but there's a huge possibility that this woman that you're looking for is still around Davao." wika nito na nakapagpatigil ng kaniyang hininga pati na rin ng tibok ng kaniyang puso. "Sa pagkakaalala ko kasi, during the opening, lahat ng turista ay binigyan ng badge para ma-distinguish sila sa locals ng lalawigang iyon. Sigurado akong wala akong napansing badge na suot ng babaeng ito sa picture kaya malaki talaga ang posibilidad na sa Davao ang location niya ngayon."

Kit couldn't talk. Bumalik na ang tibok ng kaniyang puso, but it beats as wild as ever. Davao, ang naisaloob niya. He can't wait to visit that place.

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon