PANAY ang buntong-hininga ni Kit habang nagpapalinga-linga. Tatlong oras na siyang nakaupo sa may table sa labas ng coffee shop. Tititingnan na siya ng may-ari na para bang gusto na siyang paalisin. Palibhasa'y iisang tasa lamang ng kape ang kaniyang inorder sa buong oras na iyon. Naisip kasi niyang baka lalo lamang siyang matensyon kapag umorder siya nang marami.
Binabantayan niya ang bawat kaluskos at buga ng tambucho ng mga dumadaang sasakyan. Bawat minuto ay tinatanong niya ang sarili kung darating pa kaya si Luna. Sa tuwing naiisip niya ang malabo nitong tugon noong huli silang magkita, pakiramdam niya ay naninikip ang kaniyang dibdib. Paano kung hindi na uli ito bumalik sa lugar? He badly wants to see her, again.
Nang pumatak na sa alanganing oras ang kaniyang relo ay tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa. Siguro nga, hindi na uli babalik si Luna sa lugar. Handa na siyang umalis sa kinauupuan nang biglang may maglapag ng palitaw at suman sa kaniyang harapan. Bigla ang pagkabog ng kaniyang dibdib. Pabalikwas siyang napalinga sa kaniyang likuran. Sa pagkakataong iyon ay nagsalubong ang mga mata nila ng babaeng kanina pa niya hinihintay.
"H-hey," halos pabulong na nasambit niya habang parang nananaginip na mapangiti sa magandang dalaga. "You came."
Ngumiti lamang si Luna sa kaniya. The most beautiful smile he was to able witness in his entire life. Suot uli nito ang headpiece nito na lalong nagbigay kulay sa ganda nito.
"Thought I could drop by," nakangiti pa ring sabi nito sa kaniya. Naupo ito sa kaniyang harapan. "Late na ba ako?"
Lalong lumawak ang ngiti sa mga labi ni Kit. He almost lost her the last time, ngayon ay sisiguraduhin niyang hindi na mauulit iyon. Kinuha niya ang kamay nitong nakalapag sa ibabaw ng table at hinawakan iyon nang mahigpit.
"Hey, I know this is a bit crazy and all dahil kakikilala lang natin, pero..." he stared directly into her deep set of eyes. "Will you go out with me?"
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
RomanceKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...