Fifteen

1.4K 16 0
                                    

PINILIT lunukin ni Luna ang pasta sa kaniyang harapan kahit na kulang na lang ay itulak iyon pabalik ng kaniyang sikmura. Pagkatapos ng paghaharap nila muli ni Kit ay parang naubos ang kaniyang enerhiya. Wala siyang ganang kumain ngunit napilitan pa rin siyang dumulog sa hapag-kainan alang-alang sa amang si Don Constancio Villalobos.

"Okay ka lang ba, hija?" ang hindi naiwasang tanungin sa kaniya ng ama nang mapansin na wala siyang kaimik-imik. "Namumula ang mga mata mo. Umiyak ka ba?"

"Hindi po, papa," tanggi niya na pinilit ngumiti rito bagaman hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. "Nakatulog po kasi ako kanina pagbalik ko mula sa pamamasyal sa rancho kaya po siguro nagkaganito ang aking mata."

Tumango-tango lamang ang Don na mistulang hindi naman nahalata na nagdadahilan lamang siya.

"Siya nga pala, hija, maalala ko," mayamaya ay saad nito na muli siyang pinag-angatan ng tingin. "Tumawag kanina rito sa mansion si Leonard habang wala ka."

Naiwan sa ere ang kubyertos na dapat sana ay isusubo ni Luna nang marinig ang pangalang binanggit ng kaniyang ama.

"Sayang nga, ikaw sana ang gusto niyang makausap." patuloy na saad nito na hindi man lang nagawang mapansin ang pagbabago sa kaniyang ekspresyon. "Miss na miss ka na raw niya."

Isang pilit na ngiti ang muling sumilay sa kaniyang mga labi. "A-ano pa pong sabi niya?" aniya nang hindi na nagawa pang mapigilan ang sarili. "M-may nabanggit po ba siya kung kailan siya uuwi?"

Tumango-tango ang kanyang ama. "Ang sabi niya, sa makalawa ay baka mauwi na siya galing sa kaniyang business trip sa Hongkong." lumapad ang pagkakangiti nito. "Pagdating na pagdating niya ay sinigurado niya sa akin na ang pagpaplano naman ng inyong kasal ang kaniyang pagtutuunan ng pansin."

Napalunok si Luna. Biglang nanginig ang kaniyang mga kamay kaya napilitan siya na bitiwan ang kaniyang hawak na kubyertos. Ipinatong niya iyon sa kaniyang kandungan pagkatapos nang sa gayon ay hindi mapansin ng kaniyang ama.

"Isn't it exciting, hija?" saad ng kaniyang ama na hindi pa rin nawawala sa mga labi ang isang malapad na ngiti. "Any month this year, magiging Mrs. Loyzaga ka na."

Sa ikalawang pagkakataon, isang pilit na ngiti lamang ang nagawa niyang itugon sa kaniyang ama. Pagkatapos na pagkatapos maghapunan ay nagpaalam kaagad siya rito na magpapahinga. She lie in her bed, looking at the white, lifeless ceiling. Hundreds of memories with Kit came rushing to her head. Hindi na niya nagawa pang pigilan ang muling paglantad ng kaniyang emosyon. She started crying as she tried to reminisce each of them.

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon