Thirty-four

1.2K 8 0
                                    

"NASAAN na ba si Leonard?" nayayamot na tanong ng wedding planner kay Luna. "Have you tried contacting him, again?"

"Many times," tugon ni Luna na halatang nayayamot na rin sa kaharap. "Nag-ri-ring lang but he doesn't answer his phone."

Nagtirik-mata ang naturang wedding planner. Sumulyap ito sa suot na wrist watch. Di kalaunan ay napahugot ito nang isang malalim na hininga.

"Okay, you know what? It's been two hours. Sayang naman ang ipinaghintay natin kung hindi matutuloy ang rehearsal na ito, so ang mabuti pa, let's just compromise." nagpalinga-linga ito at nagningning ang mata nang mamataan si Kit na nakatayo sa tabi ng sasakyan sa labas ng simbahan. "Hey, ikaw, halika rito sa loob!"

"Huh?" pinagkunutan ito ng noo ni Kit saka itinuro ang sarili. "Ako?"

The wedding planner gave him a pissed look before nodding his head. Wala nang nagawa si Kit kung hindi ang pumasok sa loob gaya ng ibig nito. Hindi pa man tuluyang nakakalapit ay hinila na siya nito sa may altar.

"Okay, ganito ang gagawin natin, ikaw muna ang tatayo bilang groom to be nitong si Miss Villalobos." saad nito kay Kit bago bumaling kay Luna. "Luna, come on, start walking the aisle so we can begin the rehearsal."

They became both stunned. Nagkatinginan silang dalawa ngunit sandali lang. Nang makaramdam ng pagkailang ay muli nilang ibinaling ang tingin sa wedding planner.

"Um, are you serious about this, Tina?" ang hindi napigilang itanong ni Luna rito. "I mean, I'm not saying that we should not do this but..."

"Come on, Miss Villalobos," seryosong pahayag nito. "Hindi lang kayo ang client ko. Mayro'n pa akong tatlong kailangang i-meet up today. So, please, if we can just find a way to help each other here."

Napakagat-labi si Luna. She mouthed "sorry" to the wedding planner. Naiilang man ay sinulyapan niyang muli si Kit.

"Hey," mahina niyang pukaw rito. "If you're not okay with this, I can try and talk to Tina again. I'm sure she will—"

"I-It's okay, Luna," pagputol ni Kit sa kaniyang sinasabi. "Whatever I can do to help, that's fine."

Napatitig siya rito. Ngumiti. Ilang sandali pa ay muli nang tinawag ng naturang wedding planner ang kanilang atensyon.

"Okay, let's start this, guys," malakas na bulalas nito na pumalakpak pa. "My friend here could act as the priest. Luna can start walking the aisle. I'm going to watch now."

"Okay," tugon ni Luna saka humugot ng isang malalim na hininga. Nagtungo na siya sa dulo ng altar. Her father meet her there. "Thanks for doing this, pa."

Don Constancio just smiled. Nang patugtugin na ang Wedding March ay nagsimula na rin itong ilakad siya palapit ng altar. She tried to stay focus ngunit nang mamasdan niyang si Kit ang siyang naghihintay sa kaniya sa harap ng altar ay tila biglang nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Habang palapit siya nang palapit rito, every thing starts to seem unreal.

"Okay, here's my daughter," pabirong wika ni Don Constacio nang marating na nila ang harap ng altar. "You take care of her, okay?"

"You don't need to worry, sir," makahulugang pahayag naman ni Kit na hindi magawang iwaglit ang paningin sa kaniya. "I will sure take care of her."

Bumilis ang tibok ng puso ni Luna. Lalo pa iyong nagwala nang kuhanin na ni Kit ang kaniyang kamay. There, in front of the aisle, they stared at each other without taking a breath. Nagsimula nang bigkasin ng kunwa-kunwariang pari ang speech nito. Nang matapos ay hiningan sila nito ng vows. Hindi na nila alam kung anong nangyari sa kanilang mga sarili. They suddenly become carried away.

"Luna, I never thought that one day, I'll meet someone who will turn my whole world upside down. Later on, I realized that you did not just turn it upside down, you became my whole world. Yes, you are my whole world and I can't imagine how will I continue to exist without you." sumilip ang luha sa mga mata ni Kit. "I want to spend each day of every year with you. I want to sleep and wake up next to your loving face. I love you so much."

"Oh, god, Kit, you're just one beautiful human being. You're just one of the best things that happened to me. All I really want to do is to be with you, too." hindi na napigilan ni Luna ang pagpatak ng sariling mga luha. "I love you, too."

Natulala ang lahat ng naro'n at nanonood ng naturang rehearsal. Ang kaniyang amang si Don Constancio ay hindi rin nagawang kumilos mula sa kinaroroonan na mistulang may kung anong napagtanto sa sarili. Ilang sandaling nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buong simbahan hanggang sa umalingawngaw ang makina ng isang sasakyan. It was Leonard.

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon