"OW," hinain ni Leonard habang pinapahiran ni Luna ng bulak na may gamot ang gilid ng labi nito. "I'm sorry if I'm being a baby about this,"
"Hey, it's okay," tugon niya saka ngumiti nang matipid rito. Ibinaba niya sa may mesa ang hawak na bulak at nagbuntong-hininga. "I'm sorry rin, Leonard. I should've just talked to Kit. Hindi ko dapat hinayaan na magkasakitan pa kayo."
Sa pagkakataong iyon ay si Leonard naman ang napabuntong-hininga. Parang may kung anong gumugulo rito ngunit hindi magawang isatinig. Sa huli ay pinagkalooban siya nito ng isang matipid na ngiti.
"You know what? When we were at the ring earlier, pakiramdam ko, Kit has some grudge against me." pag-amin nito. "I can't understand lalo na at ngayon lang naman kami nagkita at nagkakilala."
Luna was stunned. Hindi niya kaagad nagawang tumugon rito. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin.
"Sa totoo lang, if you didn't tell me the history about how did he help you when you ran away, iisipin ko na may iba siyang motibo." dagdag pa nito na lalong nakadagdag sa kaniyang discomfort. "I don't know why. Pero pag tinitingnan ka kasi niya parang may iba. Parang..."
"Leonard, please?" pagsaway niya rito. "Let's not talk about petty stuffs, okay? You must rest. Alam kong napagod ka kaya magpahinga ka na."
"Right," pagsang-ayon naman nito sa kaniyang sinabi habang tumatango-tango. "I should go, then."
Ngumiti lamang siya rito. He kissed her on the cheeks before he entered his car and drove away. Napapabuntong-hiningang inihatid na lamang niya ito ng tanaw. Nang pabalik na siya sa loob ng mansion ay natigilan siya nang salubungin siya ni Kit. Nakatayo ito sa may bukana ng pinto. Nakatitig sa kaniya. Sari-saring emosyong hindi niya mapangalanan ang nagsasalimbayan sa mga mata nito nang mga sandaling iyon.
"Bakit gising ka pa?" tanong niya rito nang hindi na matiis ang nakabibinging katahimikang namamagitan sa kanila. "You should take a rest, too."
Hindi pa rin ito nagsalita. Napabuntong-hininga siya. Nagdesisyon siya na iwanan na ito at dumiretso sa loob ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalayo ay muli siyang natigilan nang bigla itong magsalita.
"I didn't mean it," sinserong pahayag nito habang matamang nakatitig sa kaniya. "I'm sorry..."
Napapikit siya nang mariin. She didn't looked back at sa halip ay nagpatuloy na uli sa paghakbang palayo. Sa pagkakataong iyon ay si Kit naman ang napabuga nang hangin habang ihinahatid siya ng tanaw palayo.
"I'm sorry," ulit uli nito sa sarili hanggang sa tuluyan na siyang maglaho sa paningin nito. "I'm sorry that I love you too much."
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
RomanceKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...