HUMUGOT ng isang malalim na hininga si Luna nang marating ang harap ng pintuan ng flat ni Kit. Nang maiayos ang lahat sa pagitan nila ni Leonard ay kaagad siyang lumuwas para puntahan ito. Nahanap niya sa internet ang address ng car business nito bagaman pagpunta niya sa naturang building ay hindi niya ito naabutan doon. Sa halip ay ibinigay sa kaniya ng isang staff ang address ng flat nito. This is it, sabi niya sa kaniyang sarili. Kumatok siya sa pinto ngunit laking pagkadismaya niya ng isang babae ang siyang bumungad sa kaniya. Isang maluwag na polo at shorts lamang ang suot nito. Magulo rin ang buhok nito na mukhang doon ito nagpalipas ng magdamag. Pakiramdam niya ay may nagbaon ng punyal sa kaniyang dibdib.
"Yes?" sabi nito sa kaniya na pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa na marahil ay dahil sa kaniyang kakaibang kasuotan. "Anong kailangan nila?"
Napalunok siya. Hindi niya nagawang magsalita. She thought Kit loves her so much pero sa loob lamang ng maikling panahon ay mukhang nakahanap na agad ito ng ipapalit sa kaniya.
"I-I'm sorry. I-I just thought Kit was... um. N-nevermind," aniya na hindi na napigilang gumaralgal ang tinig nang dahil sa ikinukubling emosyon. "H-huwag mo nalang banggitin sa kaniya na dumaan ako rito."
Ibubuka pa lamang sana ng babae ang bibig para tumugon ay tinalikuran na niya ito. She was too damn hurt. Pagtalikod niya ay kaagad na bumagsak ang kaniyang mga luha. Samantala, hindi naman na siya nagawa pang habulin ng naturang babae. Nawiwirduhan na isinara na uli nito ang pinto.
"Sino 'yon?" tanong rito ni Christian na halatang nabawasan na ang hang-over. "Kliyente ba namin?"
"I don't know," kibit-balikat naman na tugon ni Missy. Naupo ito sa sofa at itinaas ang paa sa center table. Kumuha ito ng pizza pagkatapos at binuklat-buklat ang isang magazine habang kumakain. "Some random girl. A girl in a weird dress, actually. Hinahanap ata si Kit."
Parang may kung sinong nag-buhos nang malamig na tubig sa mukha ni Christian nang marinig ang deskripsyon ni Missy sa naturang babae. Tuluyang nawala ang kaniyang hang-over. Walang paa-paalam na dali-dali siyang tumakbo palabas ng flat.
"Hey!" naguguluhang habol rito ni Missy ngunit nakalabas na ito nang tuluyan. Napaismid ito. "What a weird jerk!"
Nakahinga nang maluwag si Christian nang maabutan niya pa si Luna paglabas niya. Parang walang kinabukasan na naglalakad ito ngunit hindi naman alam kung saan ang pupuntahan. Yumuyugyog ang balikat nito kaya alam niyang umiiyak ito.
"Hey, hey, sandali," humahangos na sabi niya rito saka hinila ito sa isang balikat. "I-ikaw si Luna, tama ba ako?"
Pinagkunutan ito ng noo ni Luna. She was crying so hard and his image is kinda blurred in her eyes bagaman nasisigurado niyang noon niya lang nakita sa buong buhay niya ang naturang lalaki. Pinahiran niya ang mga mata.
"O-okay, I know we haven't met before but I'm Christian." patuloy na pagpapakilala nito sa kaniya. "Kaibigan ako at business partner ni Kit."
Hindi pa rin siya nagsalita. Wala siyang pakialam kung sino pa ito. She was too hurt that even hearing Kit's name makes her want to cry.
"I-I think there's been a misunderstanding here. Yung babaeng nagbukas sa'yo ng pinto kanina? Si Missy iyon. She's my girlfriend."
Natigilan si Luna. Parang biglang nawala ang kung anong mabigat na bagay na nakadagan kanina sa kaniyang dibdib nang marinig ang sinabi nito. Nagtatanong ang mga matang sinalubong niya ang paningin nito.
"Yes, that's right. It's a long story pero pinapunta ako ni Kit sa flat niya. We should be having a man to man talk over beer but I've been a complete jerk. Sinama ko ang girlfriend ko at inubos ko ang beer niya so..." napakamot ito sa batok. "Anyway, bottomline is, Kit is not around. Umalis siya. But if you want to talk to him, please do. Please do. Kasi mahal na mahal ka nang kaibigan ko na 'yon. And I want him to be happy." napalunok ito. "Also, I want to throw up now so please hanapin mo nalang siya."
Nagtatakbo na pabalik sa pinanggalingan si Christian. Naiwan siyang nakamaang sa bilis ng mga pangyayari at sa dami ng mga pinagsasabi nito. Nang ma-absorb na lahat iyon ay natawa siya. I was wrong, sabi niya sa sarili, Kit loves me still. Pero saan niya ito hahanapin ngayon? Sandali siyang nag-isip at natigilan nang isang partikular na lugar ang pumasok sa kaniyang isip. Hindi niya alam pero may isang malakas na puwersa ang nagsasabi sa kaniyang sa lugar lamang na iyon niya ito matatagpuan. The place where everything started—ang coffee house.
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
RomanceKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...