NAG-IIMPAKE si Kit ng kaniyang mga damit nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pintuan ng guest room. Pansamantala niya munang iniwan ang kaniyang ginagawa para pagbuksan ang kung sinong kumakatok. Parang sandaling huminto sa pagtibok ang kaniyang puso nang sa pagbukas niya niyon ay si Luna ang bumungad sa kaniya. Nakasuot ito ng isang puting bestida at nakalugay ang alon-alon nitong mahabang buhok. Oh, the pain that it brought to his heart just by seeing her! Napabuntong-hininga nalang siya.
"Hey," ang sa wakas ay nagawa nitong ipahayag matapos ang ilang sandaling pagtitig lamang sa kaniya. "Can I come in?"
"S-sure," aniya na niluwagan ang pagkakabukas ng pinto nang sa gayon ay makapasok ito. "Pasensiya na, medyo magulo rito."
Luna did not comment. Nagdire-diretso ito papasok sa loob ng kuwarto. Nang makita nito ang kaniyang maleta at iniimpakeng mga damit ay natitigilang napatitig ito doon.
"S-so, I see you're already packing," sabi nito bago sumulyap sa kaniya. "You're really going back home, huh?"
"I need to," makahulugang pahayag niya na sinalubong ang paningin nito. "I've accomplished what I need to accomplish here. Narinig ko na ang paliwanag na kailangan ko mula sa'yo. I think I'm good."
Napalunok si Luna. Tears started to brim in the corners of her eyes. Habang tinitingnan niya ito ngayon ay gusto niyang isigaw ritong hindi niya ito gustong umalis. Na ito pa rin ang kaniyang mahal. Na kung may isang lalaki man siyang gustong pakasalan ay ito 'yon. Pero hindi niya magawa. Hindi maaari.
"Um, so, I see you're all dress up," mayamaya ay pambabasag ni Kit sa nakabibinging katahimikang namamagitan sa kanila. "Are you going somewhere?"
"Oh, um, we have this rehearsal thing," tugon ni Luna na pinilit ngumiti rito sa kabila nang labis na pagkalunod sa sari-saring emosyon. "It's, um, for the wedding."
Napatango-tango si Kit. He tried to smile even though his chest suddenly tightened with the thought of the wedding. Ang sakit-sakit na na kung may mas madali lamang sanang paraan para lisanin ang lugar na iyon ay ginawa na niya maiwasan lamang makarinig ng kahit anong bagay tungkol sa nalalapit na kasal ng dalaga.
"Well, um, good luck to that," sabi niya rito nang magawang makabawi. "Really, I'm, um, wishing you the best."
"Oh, Kit," mahinang sambit ni Luna. Naluluhang pinagmasdan niya ang binata. Sa abot ng kaniyang makakaya ay pilit niyang pinipigilan ang paglantad ng totoong damdamin para dito ngunit sa pagkakataong iyon ay tila umabot na iyon sa sukdulan. "I-I know I should not probably be saying this. But before you go, I just want you to know one thing. I-I still—"
Bago pa man niya nagagawang ipagtapat ang nararamdaman para kay Kit ay biglang dumating si Manang Miling. Kumatok ito sa bukas nang pinto. Kaagad namang pinahiran ni Luna ang namuong mga luha bago pa iyon makita ng matanda.
"Manang Miling, I was about to go down," sabi niya rito nang maiayos ang sarili. "Nakahanda na ba ang sasakyan?"
"Ayon na nga ho ang sinadya ko rito, seniorita," problemadong tugon nito. "Kakatawag lang ho ng driver nating si Dante. Hindi raw ho makakapasok. Isinugod sa ospital ang anak."
"H-ho?" gumuhit ang pagkadismaya sa mukha ni Luna. "P-paano na ho 'yan? Sinong mag-da-drive sa amin ni papa papuntang simbahan? We have to get there before the rehearsal starts."
Napalunok si Kit. He doesn't want to witness that wedding rehearsal. Alam niyang lalo lamang niyong palalalimin ang sugat sa kaniyang puso ngunit wala siyang magawa. Hindi niya kayang pabayaan na lamang ng mag-isa si Luna.
"I-I'll do it," hindi naglaon ay kaniyang ipinahayag matapos ang ilang sandaling pagdadalawang-isip. "I'll drive you to church."
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
RomantizmKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...