Five

1.7K 22 0
                                    

PINATAY ni Kit ang ignition ng kaniyang sasakyan matapos iyong maiparada sa tapat ng coffee house. Hindi katulad noong mga nakaraang araw ay hindi gaanong marami ang taong nagpaparaoon at parito. Hindi pa kaagad siya bumaba at sa halip ay ilang sandaling nagmasid mula sa bintana ng kaniyang sasakyan. He was sure it was the same time when the girl in bizarre clothing arrived from a pick-up truck. Hindi niya nagawang makuha ang pangalan nito noong unang beses na magtagpo ang kanilang mga landas at pinagsisihan niya iyon. Later on, sa kakaisip sa kung ano nga kaya talagang pangalan nito, he ended up giving her the pet name "Palitaw girl" na sa palagay niya ay umangkop naman dito dahil para itong araw na lulubog-lilitaw.

It was the third consecutive day that he went to that same place. Hindi niya naman normal na ginagawa iyon sa tuwing mag-ka-cutting classes siya. Lagi at lagi na iba-ibang lugar ang pinupuntahan niya. Hindi rin naman gano'n kasarap ang macchiato sa coffee house doon para balik-balikan niya. It was all just because of Palitaw girl. Bumalik siya kinabukasan pagkatapos ng unang encounter nila dahil gusto niya uli itong makita subalit hindi ito dumating. It was the third day at bumalik uli siya dahil naisip niya na baka lumaktaw lang ito ng isang araw.

He wonder if the day that he met her was the only day that she will be on that place. Paano kung hindi na ito bumalik? Paano kung hindi na uli niya ito makita? His chest suddenly tightened. And to think na hindi niya man lang nagawang makuha maski ang pangalan nito. Nagbuntong-hininga siya. Bahala na, pagkuwan ay sabi niya sa sarili. Bumaba siya at pumasok ng coffee house. Umorder siya ng macchiato at naupo sa kaparehong table na inokupa niya noong unang beses siyang nagpunta doon.

It was his third cup when he suddenly heard a screech behind his back. Paglinga niya ay halos mapigil niya ang hininga nang tumambad sa kaniya si Palitaw girl. Katulad noong unang beses niya itong makita ay full skirt, peasant dress, at boots ang suot nito. Hindi nito suot ang headpiece nito sa ulo kaya malayang nililipad ng hangin ang mahabang, alon-alon na buhok nito habang nakasakay ng bisikleta. He was stunned for a moment. Ang ganda-ganda nito.

"Hey, hey, tingnan mo kung sino uling nandito," sabi nito nang ipreno ang sinasakyang bisikleta sa tapat niya. "Posible ba na kaya ka uli nandito ay dahil hinihintay mo ako?"

Nag-iinit ang mga pisngi na napatitig siya rito. He was choked by his own words for a few moment. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na ilang araw na niya itong inaabangan sa naturang lugar.

"Biro lang," nakangising sikmat nito bago pa man niya tuluyang madipensahan ang kaniyang sarili. Naupo ito sa bakanteng upuan sa kaniyang harap na sadya niyang inilaan para rito. Napatitig ito sa tatlong baso sa kaniyang table. "Three cups, huh?"

Napatitig rin siya sa naturang mga baso. Sobrang tensyon niya kung magpapakita ba ito nang araw na iyon. Hindi na niya halos namalayan na nakatatlong baso na pala siyang na-order.

"Quite a different entrance today," komento niya nang makabawi saka niya iniginuso ang bisikletang bitbit nito. "Kanino 'yan?"

"Ah, 'yan? Hiniram ko lang 'yan," she answered in a very casual manner na para banag matagal na silang magkakilala. "Ang babait ng mga tao sa lugar na ito."

Base sa pagsasalita nito ay mukhang dayo lamang ito sa lugar. Gusto sana niyang sabihin dito na baka kaya lang mababait sa kaniya ang mga tao doon ay dahil sa dayo siya. Gusto sana niya itong balaan na mag-ingat ito sa susunod subalit bigla siyang natorpe.

"Saan ka nanggaling?" pagkuwan ay wala sa loob na naitanong niya rito. "Bakit ngayon ka lang yata nagawi uli dito?"

Natigil ang dalaga sa pagkalikot sa bitbit nitong bag. Napatitig ito sa kaniya. Pagkuwan ay sumilay ang isang nakakalokong ngiti.

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon