"YOU'RE going to Davao?!" gulantang na bulalas ni Christian. "Nababaliw ka na ba, bro? You can't leave me here alone! Paano na ang business?"
Kit wasn't listening. Patuloy lamang siya sa pagpirma sa mga transaction na kailangan i-settle ng linggong iyon. Christian, frustrated, walk towards him.
"Bro, don't do this, please," pakiusap nito. "And besides, hindi ka naman sigurado na naroroon nga talaga si Luna. For all we know, binibigyan ka lang ng false hope ng photographer na 'yon."
Natigilan si Kit sa kaniyang ginagawa. Bumuntong-hininga ito nang malalim. Sinalubong ang paningin ng kaibigan.
"Chris, I don't care whether that photographer is only giving me false hope. I want to see Luna again. Gagawin ko ang lahat para mahanap siya kahit wala pa 'yong kasiguraduhan." sinserong sabi niya rito na muling bumuntong-hininga. "Look, I know you're all pressured and every thing. You've never managed the business alone but I trust you, okay? Alam kong sa loob ng mga araw na wala ako ay magagawa mo itong mapamahalaan nang maayos."
Sa pagkakataong iyon ay si Christian naman ang bumuntong-hininga—mistulang natauhan. Sinalubong nito ang kaniyang paningin saka nakakaunawang ipinatong ang isang kamay sa kanyang balikat.
"Hay, bro," napapabuntong-hiningang sabi nito sa kaniya saka matipid na ngumiti. "You love her so much, don't you?"
Kit didn't respond but the look in his eyes answered the question clearly. He loves Luna so much that he's willing to give every thing just to find her. He's willing to commit himself even to the most stupid idea on earth just to secure a chance to be with her, again.
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
Storie d'amoreKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...