Sixteen

1.4K 12 0
                                    

KINUHA ni Kit ang isang kamay ni Luna at dinala iyon sa kaniyang mga labi. Dinampian niya iyon ng isang masuyong halik habang tila nananaginip na pinagmamasdan ang mukha nito. Hindi pa rin siya makapaniwala na pareho sila ng nararamdaman nito at tinanggap nito ng buong puso ang pagmamahal na inialay niya rito.

"You know what we should do?" mayamaya ay kaniyang isinatinig. Nilingon siya ni Luna. "We should visit your father."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Luna. Bigla nitong ipinaling sa malayong dako ang paningin. Kit, on the other hand, wasn't able to noticed this because of too much excitement.

"Naisip ko kasi, gusto ko siyang makita at makausap." patuloy na saad ni Kit. "Gusto kong personal na hingin ang basbas niya ukol sa relasyon natin."

Hindi kaagad nagawang tumugon ni Luna. There was this distraught look on her face. Binawi nito sa kaniya ang kamay at humalukipkip.

"Kit, this is not the right time." pagkuwan ay tugon ni Luna na labis niyang ikinadismaya. "Besides, final term is approaching. You can't mess with this one. This is your last requirement for graduation."

Sa pagkakataong iyon ay si Kit naman ang nawalan ng imik. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing mauungkat ang tungkol sa pamilya at personal na buhay ng dalaga ay parati nitong inililiko ang usapan. Sa loob ng ilang buwan nilang relasyon ay kakaunting impormasyon lamang tungkol sa personal nitong buhay ang nagawa nitong ibahagi sa kaniya. She told her that her mother was already dead and that her father is the one who raised her alone since then. Gayunman, wala itong binanggit na pangalan. She told her hometown is somewhere outside the city but she never go beyond that. Sa tuwing tinatanong niya ito kung paano ito napadpad doon ay ngumingiti lamang ito at binabago ang usapan. Kit thought maybe she wasn't ready to open up fully to him that's why he respected it and waited patiently but it's been months! Nahihirapan na siyang unawain ito.

"Luna, don't you trust me?" sabi niya rito na may himig ng hinanakit ang tinig. "Because it feels like you don't."

"Kit," hinawakan siya nito sa isa niyang braso. "Hindi sa gano'n. You know that I trust you, right? It's just that..."

"It's just that, what?" buwelta niya na hindi pa rin nawala ang himig ng paghihinanakit. "Luna, I did not hesitate to tell you everything about me and my family because I love you. I trust you. Bakit hindi mo 'yon magawa sa akin?"

Hindi nagawang sumagot ni Luna. Napayuko ito bagaman tanaw pa rin ni Kit mula sa kinaroroonan ang sari-saring emosyong nananahan sa mga mata nito nang mga sandaling iyon. Napahugot siya ng isang malalim na hininga.

"You know what? I think you have to think a lot of things through, Luna," sabi niya na binawi ang braso niyang hawak nito. "Puntahan mo nalang ako kapag may tiwala ka na sa akin."

And with that, he deserted her. Mabibigat ang mga hakbang na naglakad siya palayo. Luna, with a heavy heart, watch him go away as tears brimmed in her eyes.

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon