SINALUBONG ni Kit ang paningin ni Luna na nang mga sandaling iyon ay titig na titig sa kaniya. Sari-saring emosyon ang mababanaag sa mga mata nito ngunit pinakanangingibabaw roon ang pagtatanong. Matagal na nagtitigan lamang silang dalawa hanggang sa ang ama na mismo ng dalaga ang siyang bumasag sa namumuong tensyon sa kanilang dalawa.
"Luna, hija, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na itong si Mr. Vera pala ang siyang tumulong sa'yo noong umalis ka dito sa rancho?" saad ng kaniyang ama na itinuro pa si Kit. "Matagal ka na pala niyang gustong bisitahin dahil gusto niyang malaman ang kalagayan mo magmula nang makabalik ka rito."
"I was busy in my business kaya ngayon ko lang nagawang ituloy ang plano kong pagbisita sa'yo," saad ni Kit na matamang nakatitig kay Luna. "Ikakasal ka na pala?"
Napalunok si Luna. Wala siyang makapang salitang sasabihin kay Kit. Nagulat siya sa bigla nitong pagpapakita sa kaniyang papa at hindi niya maunawaan ang intensyon nito sa mga bagay na sinabi sa ama.
"Hija, bakit hindi mo man lang pinadalhan ng imbitasyon itong si Mr. Vera para sa iyong kasal?" napapailing na wika sa kaniya ng kaniyang ama bago muling bumaling kay Kit. "Pasensiya na, Mr. Vera. Lately, kasi, masiyadong naging abala itong aking anak sa pamamahala nitong rancho kaya marahil ay nakaligtaan nang makibalita sa'yo. At isa pa, kababalik lamang ng kaniyang fiancé mula sa business trip sa Hongkong kaya ngayon lamang muling naasikaso ang tungkol sa kanilang kasal."
"Naiintindihan ko po, Don Constancio," saad ni Kit na muling bumaling sa kaniya. "I'm sure it wasn't the intention of Luna."
Muling napalunok si Luna. The bitterness in Kit's voice is hitting her hard inside. Hindi na niya nagawa pang pigilan ang kaniyang sarili.
"Um, papa, can I talk to Mr. Vera here for a second?" sabi niya sa ama. "I-I would, um, really want to catch up a little."
"Sure, sure," nasisiyahan namang tugon ni Don Constancio na agad tumindig. "Sige, mag-usap muna kayo habang ipinahanda ko ang lunch at pati na rin ang guest room na tutuluyan nitong si Mr. Vera habang nandirito siya."
Para uling may nagbuhos ng malamig na tubig sa mukha ni Luna. Napamaang siya. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa.
"A-Anong ibig mong sabihin, pa?" naguguluhang tanong niya sa ama. "Gusto mong dito muna tumuloy sa mansion si Kit?"
"Oh, of course!" bulalas nito. "Actually, hindi lamang ako ang may gusto. Si Mr. Vera na rin ang humiling sa akin na kung pupuwede ay tumuloy siya rito hanggang sa dumating ang araw ng iyong kasal. I thought it would be a great repay for all the help he did to you back then."
Choke by his father's words, napatitig siya kay Kit. He was already staring. Something could be seen written in his eyes—something ominous and frightening. Ano ba talagang pinaplano nito?
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
RomantikKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...